78. COVID 19

649 4 1
                                    

COVID 19

Maaari ba akong maki-usap sayo?
Pwede ‘bang lisanin mo’na ang aming mundo?
Sa iyong paglisan, iyong dalhin ang sakit na dala-dala mo
At sa iyong pag-alis, ’wag na ’wag ka’na muling babalik rito.

Nang dahil sayo, marami ang mga mamamayan na pansamantalang nawalan ng trabaho,
Nang dahil sayo at sa sakit na dala-dala mo ay maraming naapektuhan
Maraming naubusan ng pangangailangan
Maraming mamamayan ang nahihirapan.

Sa sakit na iyong bitbit ay maraming Pilipino na ang nagkakahawaan
Maraming buhay na ang nawawalan.

Ikaw yung dumating na gustung-gusto ko nang mawala
Ikaw yung dumating na gusto kong mawala na parang bula
Sa iyong paglisan, yun lang ang tangi naming kasiyahan.

Covid 19, ka’ang
Pilipino kami
Nag-iisa ka’lang
Marami kami.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon