179. IPAPAUBAYA KA SA TAONG MAHAL MO

175 8 1
                                    

     Mahal kita
     Kaya sa kung saan ka sasaya
     Magiging masaya na rin ako
     Ipapaubaya na kita sa bagong mahal
     mo.

     Huwag kang mag alala
     Piliin mo lang na maging masaya
     Ako na ang bahala sa sarili ko
     Masakit pero pipiliin kong maging
     masaya para sa inyo.
    
     Ipapaubaya kita sa kanya
     Kahit na mahal kita
     Dahil anong saysay ng pagmamahal ko
     sa'yo
     Kung hindi ka na masaya sa piling ko?

     Masakit kasi hawak ka na nang iba
     Pero kaya ko 'to dahil mahal kita
     Bukal sa loob kong ipaubaya ka sakanya
     Pero sa oras na sinaktan ka nya, pangako
     -babawiin kita.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon