182. 𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗞𝗢? [𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗮]

99 2 0
                                    


"

𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗡𝗔 𝗕𝗔 𝗔𝗞𝗢?
[𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗮]

Kung kailan ko narealize na gusto na pala kita saka ko lang nalaman na may nagpapasaya na pala sa'yong iba.

Nung nakita ang litrato nyong dalawa sa myday mo bigla akong nasaktan, oa 'mang pakinggan pero kumirot yung puso ko. Maiiyak na nga ako 'nun pero pinigilan ko lang dahil nasa trabaho that time. Saka nag log out na muna ako.

Nakakatawa kasi iniscreenshot ko pa yung picture nyo, ewan ko ba.

Kaya pala feeling ko kapag ka chat kita, ramdam kong hindi ka intiresado, yung feeling na parang napipilitan ka lang na replyan ako. Hindi ko sure kung tama ba yung hinala ko pero parang totoo nga dahil sa nakita ko ang myday mo sa isa mong account.

Nung makita ko yung picture, yung picture nya bigla akong na insicure, nasabi ko agad sa sarili ko na, wala akong laban dyan. Maganda s'ya eh, saka mukhang bagay kayo.

Hindi ako sure kung meron kayong something, pero ang sure ako, nasasaktan ako.

Para tuloy akong nawalan ng lakas na ichat ka pa, kase baka maka istorbo ako sa inyong dalawa. Wala eh, yun kasi yung mga nasa isip ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon