28. Mahal kong Diary

494 11 0
                                    

Mahal kong Diary

Sa bawat sigundo, minuto
at oras ay pawang nalilito
Mga binigkas ng labi ay puro
katotohanang hindi maamin sa iyo.

Paano sisimulan
ang katagang matagal ng
nararamdaman at hirap itago?
kailan magbubukas ang mga salitang
nais kong ipaalam na gusto kong maging tayo?

Pinipilipit ang bawat mga titik
sa pagbigkas ng gusto
Nawawalan ng boses kapag
gusto ng umamin sa harapan mo.

Bumibilis ang tibok ng puso
kapag ilang agwat na lang ang ating layo
Hindi mabigkas at hirap sa pagsalita
dahil nauutal sa bawat titig mo;
parang tanga't kinikilig pa ako.

Gusto kita, gustung gusto kita
kahit malabong maging ikaw at ako
Malabo dahil hindi naman ako
ang tipo mong babae
na lagi mong sinasabi sa akin
kapag nagkakausap tayo.

Hindi ako pasok sa mga tipo mo
na kung ibabase'y magmumukhang perpekto
Simple lang naman ako
na may lihim na nararamdaman para sa iyo.

Animo'y kahit paglapit mo
kusang tumitigil ang pag-ikot ng mundo
At kapag nasa tabi na kita'y
para bang kinukuryente ako ng kung ano.

Pigil ang hininga
dahil hindi ko maiwasang kabahan
lalo't nasa harapan ko na
ang lalaking nagpapatibok ng aking puso.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon