197. 𝗧𝗛𝗜𝗥𝗗 𝗘𝗬𝗘

83 1 0
                                    


THIRD EYE

Marami akong mga masasamang naririnig sa ibang tao
Na kesyo, 'anak raw ako ng engkanto'
Na kesyo 'aswang ako na nag-katawang tao'
Hindi ko na lang sila pinapansin kasi alam kong hindi naman totoo.

Tanggap ko kung bakit ganon ang trato sa'kin ng karamihan
Pero minsan hindi ko pa rin maiwasan na masaktan
Pilit ko ’mang balewalain ang mga salitang pinaglalaban nila
Ayaw ko ’mang sumang ayon ngunit parang tama sila.

Siguro nga, anak ako ng isang engkanto
Siguro nga, hindi talaga ako normal na tao
Siguro nga, aswang ako at nagkatawan lang ng tao
Siguro nga, tama ang sinasabi nila, abnormal ako.

May mga nakikita kasi ako na hindi nila nakikita
May mga naririnig ako na hindi naririnig ng iba
Sabi naman ng aking pamilya na ako raw ay kakaiba
Dahil raw iyon sa pulang dugo sa aking kaliwang mata.

Mga nakakabinging iyak ng mga sanggol
Mga nakakakilabot na hagulgol
Na hindi ko alam kung saan nanggagaling
Mga kaluskos at nakakatindig balahibo ang bawat kalansing.

Malalakas na yapak na nagmumula sa hagdan
Kahit wala namang taong dumaraan
Mga anino na bigla na lang sa aki'y nagpapakita
Mga anino na katawan ay tao ngunit wala silang paa.

At dahil sa ganitong eksena na aking nararanasan
Ni minsan hindi ako nagkaroon ng mga kaibigan
Parati akong mag isa, kasi ayaw nila sa katulad ko
Walang gustong makipag kaibigan sa isang abnormal na tao.

Hindi ko alam kung kakayahan ba ito o isang sumpa
Sa dinami rami ng pwedeng paglaanan nito, bakit ako pa?
Ano ’bang meron sa mata ko, bakit may dugo?
Ano ‘bang tungkulin ko dito sa mundo?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon