106.

112 0 0
                                    

KAHIT HINDI NA AKO

Lubusan akong nasasaktan
Mga bagay na hindi maintindihan
Mga gusto'y hindi kayang sundin
Nagtatalo ang isip at damdamin.

Bakit ako pumayag sa gusto mo
Bakit ko hinayaang mawala ka sa tabi ko
Bakit kita hinayaang

Alam kong masaya ka na
Kita ko iyon sa iyong mga mata
Kaso, ako kasi hindi pa
Hindi ko alam kung magiging maayos pa ba.

Ang sakit kasi, akala ko tanggap ko na
Akala ko, sa desisyon nating dalawa
Ay magiging masaya tayo isa't isa
Pero naiwan ako sa espasyong h

Minamahal pa rin kita
Kahit wala na tayong dalawa
Ikaw pa rin ang pinipili ko kahit pinili mo siya
Ikaw pa rin ang mahal ko kahit ang  mahal mo'y siya na.

Hindi ka pa rin mawala sa aking isipan
Tuwing gabi ikaw parati kong napapanaginipan
Mukha mo parin ang nais kong pagmasdan
Mga kamay mong miss ko nang hawakan.

Parang nais kong ibalik ang nakaraan
Kung saan ako pa'y iyong nililigawan
Sa pagngiti't-pagtawa mo ako pa ang dahilan
Habang naglalakad, kamay ko na pasimple mong hahawakan.

Noong panahong ako pa ang mahal mo
Na handang ipaglaban kahit kanino
Noong panahong ako pa ang iyong mundo
Na handa mong ipagsagawan sa harap ng maraming tao.

Pero sadya talagang mapaglaro ang tadhana
Dahil isang araw, bigla ka nalang nag-iba
Ngiti sa labi mo'y unti-unting nawawala
Sa relasyon nating dalawa, biglaan kang nagsawa.

Ang pagyayaring iyon ay hindi ko makalimutan
Sariwa pa ang lahat sa aking isipan
Nakakatak sa akin ang salitang iyong binitawan
'Pakiusap, ako'y iyo nang pakawalan.'

Limang buwan na ang nakalipas
Pero sa nakaraan hindi parin ako makatakas
Yung pag-ibig ko hindi man lang bumabawas
Hindi kona alam kung saan ang daan palabas.

Ikaw parin, kahit hindi na ako
Sayo parin ako kahit may nagmamay-ari na sayo
Ikaw parin ang mahal ko kahit sya na ang mahal mo
Ikaw lang ang mamahalin ko kahit wala ng tayo.

Kahit hindi na ako
Mananatili akong sayo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon