152. LDR (requested)

176 2 0
                                    


Sabi nila, na ang ldr ay nauuwi lang daw sa hiwalayan pero para sa akin, distansya lang naman ang kalaban ninyo at kung tunay ngang nagmamahalan kayo ay malalagpasan niyo iyon kahit na malayo kayo sa isa’t isa.

At kung sakaling mapunta ka sa tamang tao, ang swerte mo na
Kaya nga ang swerto ko dahil sa natagpuan kita
Tapos mahal pa natin ang isa't-isa
Kaya naman balewala ang pagitan sa'ting dalawa
Dahil kahit magkalayo tayo ay baon natin ang pagiging kuntento at pagtitiwala.

Pero minsan, hindi ko rin maiwasang ipagkumpara ang relasyon natin sa iba. Sila magkasama, magkasamang nanonood ng sine, kumakain sa labas habang tayo, watching movie together while on call pero kahit na ganun, masaya naman tayong dalawa.

Sadyang ang pangalan nating dalawa ay isinulat ng tadhana
Na kahit malayo 'man ang ating pagitan
Pinagtagpo pa rin tayo nang kapalaran.

Magkalayo 'man tayo ngunit 'di iyon hadlang para sa'ting dalawa
Dahil sapat na ang pangako natin sa isa't-isa
Kung saan ang ikaw at ako ay mananatiling masaya
At tutuparin ang mga pangako natin na magkasama.

-
Ito na ang araw na pinaka-hihintay nating dalawa
Ang muling magkasama
At ipagmayabang sa iba na nagtagal tayo'ng dalawa
Na hindi naging hadlang ang pagiging malayo natin isa't-isa.

At heto ang pinaka-magandang balita
Ito 'yung pangarap natin na wakas ay matutupad na
Na sa harap ng altar at nang mga taong nakapaligid sa'tin
Sila ang magiging saksi sa pagmamahalan natin.

Sa harap ng Diyos,
Sabay tayong mangangako
Na kahit dumaan 'man ang mga problema ay di tayo maghihiwalay.
Na sabay tayong bubuo nang isang masayang pamilya.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon