184. AKO BA'Y TANGA O SADYANG MAHAL LANG KITA?

113 4 0
                                    


Siguro, iniisip niyo
Na desperada ako
Dahil pinipilit kong isugal
Ang taong hindi naman na ako mahal.

Kung natuturuan lang ang puso
Matagal na akong sumuko
Kaso, hindi
Hindi naman kasi ganon kadali.

Mahirap sukuan
Ang taong mahal mo ng lubusan
Tipong kahit nasasaktan ka na
Tinitiis mo iyon dahil sa ayaw mong mawala siya.

Sa huli,
Alam ko ang kahahantungan
Na sa aking pananatili
Posible akong masaktan.

Pero pinili ko ito
Pinili kong manatili sa iyo
Hindi dahil sa ako ay tangá
Kundi dahil sadyang mahal lang talaga kita.

Sinta, gusto kitang sumbatan
Kaso alam kong wala akong laban
Alam ko naman na hindi na ako ang mahal mo
At ako na lang itong pinipilit pa rin ang sarili ko sa iyo.

Ilang beses kong tinangkang iwanan ka na
Pero nakakatawa
Dahil bumabalik din ako sa iyo
Di ba, ang gágá ko?

Pero kahit na ganon,
kahit na ang sakit-sakit mong mahalin
Heto ako, pinipili ka pa rin
At umaasa pa rin na babalik ka
At muli tayong magiging masaya.

Wala akong lakas ng loob para tanungin ka
Kung bakit ganito ang kinihatnan ng relasyon nating dalawa
Ang dami kong tanong na gusto kong itanong sa iyo
Kaso takot akong marinig ang mga posibleng isagot mo.

Wala na ba talaga akong halaga sa iyo?
Talaga nga bang hindi na ako ang mahal mo?

Siguro nga, ito na ang takdang oras para tanggapin ko ang totoo
Na ang ating mga pangako ay matagal ng burado.

Na sa ating dalawa
Ako na lang ang sumusugal
Ako na lang ang nagmamahal
Ako na lang ang umaasa.

Kaya kahit mahirap,
Pipilitin kong maging matapang
Pipilitin kong bumangon muli
Pipilitin ko ang sarili kong hindi ka na hahanap hanapin
At pipilitin kong hindi ka na mahalin.

Siguro nga, tanga ako. Kasi hinayaan kong maging tanga ako dahil lang sa pagmamahal ko sa'yo. Pero ito na ang huli, ang huli kong pananatili. Hindi na kita mamahalin pa, sarili ko na muna.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon