183. AKO, IKAW AT SYA

138 2 0
                                    


AKO, IKAW AT SYA

Sa pag-ibig, dapat lamang ay dalawang tao
Hindi pwedeng tatlo, ikaw lang dapat at ako
Pero 'nong sya'y umiksena, bigla kang nalito
Sinabi mo sa' kin na mahal mo kami pareho.

Sinta, hindi naman dalawa ang puso mo
Kaya bakit ang mahal mo'y siya at ako?
Alam ko na kung sino ang lamang sa aming dalawa
Dahil hindi ka naman maghahanap ng iba
-kung mahal mo pa ako, hindi ba?

Hindi ko hiniling sa tadhana na dalawa kami sa buhay mo
Mas lalong hindi ko hiniling na may kahati ako sa'yo
Sinta, kahit ayaw kong papiliin ka
Ngunit 'di magiging tama na mahal mo ay pareho kaming dalawa.

Sino ba ang mas matimbang sa'ming dalawa
Kanino ka ba mas nagiging masaya?
Kanino ba mas tumitibok ang puso mo?
Sino ba ang mas matimbang, sya ba o ako?

Hindi ako papayag sa gusto mo
Na sya sa gabi at sa araw ay ako?
Hindi kami isang bagay
Na pwede mong ipagsabay.

Hindi rason na mahal mo kami pareho
Ano 'ba klase 'yang puso mo?
Ang sabihin mo, hindi ka lang makuntento
Kung di ka maka-pili, ako ang pipili para sa'yo.

Ako ang aalis
Dahil hindi ko matitiis
Ang kagustuhan mo
Na dalawa kami sa buhay mo.

Uulitin ko
Hindi ko gusto ang may kahati sa'yo
Kaya kung nais mo kaming ipagsabay
Bitawan mo ang aking mga kamay.




SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon