43. WORD OF GOD

464 9 1
                                    


Ang magpasalamat sa Panginoon Diyos ay mabuting bagay🖤

The Word of God🖤

Panginoon naming Diyos, ikaw ang aming tahanan
Simula pa sa simula lumitaw ang aming angkan
Wala pa ang mga bundok, hindi  mo’pa nilalalang
Hindi mo pa nililikha itong buong daigdigan,
Ikaw noon ay Diyos na pagkat ikaw ay walang hanggan.

Namatay ang ikaw na Diyos para saluhin ang lahat ng ating mga sala,
Upang ipakilala kami sa iyong Ama ginawa nya ang tama.
Isinakripisyo ang sarili para malanghap natin sa mundo ang ginhawa
Inialay ang iyong buhay mapatawad lang ang lahat ng ating maling nagawa.

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Katasa-taasan
At nananatili sa kalinga niyong Makapangyarihan.
Makapagsasabi sa kanyang  Panginoon "Muog ka’t tahanan"
Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagkakatiwalaan.

Ama na nasa kalangitan kami ay inyong pahintulutan
Ituro ang liwanag kung saan ang tamang daan.
Ang bawat hirap na dinaranas ay bigyan ng dahilan
Tugunan mo ang bawat panalangin namin kahit minsan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon