190. 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗞𝗢

158 2 0
                                    


𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗞𝗢
Kolaborasyon nina: Alyssa Eleazar Magapi | Christel James Renegado

Mga pangako na iyong isinambit
Na kahit anong mangyari, hindi mo ako ipagpapalit
Na hindi mo nanaising bitawan ang aking kamay
Na sa mundo ng pag ibig, sabay tayong maglalakbay.

Pangakong napako sa isang mapait na nakaraan
Mga ala ala natin na napakahirap kalimutan
Hanggang kailan ko pa ba, babalik balikan,
Ang pangakong nagdulot ng labis na kalungkutan.

Mga pangako mong tila'y nag hugis bato
Dahil sa biglaan mong pagbitaw sa kamay ko
Ang masayang pagsasama nating dal'wa
Pawang gumuho pagkat iniwan mo na lang ako bigla.

Ang pagbitaw ng mga kamay na kay tagal rin iningatan,
Ito rin pala ang magiging mitsa, nang paghihiwalayan
Pangakong nagbuklod sa pagmamahalan,
Ay siya rin pa lang magwawakas ng pag iibigan.

Sana hindi ka na lang nangako sa'kin
Kung balang araw pala, ako'y iiwan mo rin
Binahiran mo nang sugat ang puso ko
Sana hindi na lang tayo pinagtagpo.

Mga sana na gustong baguhin
-subalit malabo ng balikan
Tanging mga luha na lamang ang magsisilbing palatandaan
Mapait na nakaraan ang naging sandigan
Tungo sa pagbabago't pagharap sa kinabukasan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon