194. 𝗣𝗔𝗣𝗔

256 1 0
                                    

𝗣𝗔𝗣𝗔

Pa, kung nasan ka man ngayon, sana binabantayan nyo pa rin po kami, sana pinoprotektahan nyo pa rin kami.

Pa, ang tagal na simula ng mawala ka pero hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang lahat.

Pa, sobrang miss na miss na miss na po kita. Gusto kitang makita, makausap, mayakap, mahawakan, gustung gusto.

Papa, kung hindi ka sana nawala, wala kami sa sitwasyon na 'to. Hindi sana nahihirapan si Mama ngayon, nakakapag aral sana kaming magkakapatid, pero wala eh. Sumuko ka.

Pero Pa, pangako ko sa inyo, na gagawin ko ang lahat. Tutulungan ko si Mama. Hindi ko pababayaan ang mga kapatid ko. Pangako ko yan, Pa. Mahal na mahal po kita. Pasabi po kay Lord, na pakinggan nya yung araw araw kong dinarasal.

Pa, bantayan at protektahan nyo po si Mama. Bigyan nyo po sya ng lakas para itaguyod kaming magkakapatid. Pa, sorry.

Sorry kasi marami akong pagkukulang. Sorry kung hindi ko naiparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal.

Pa, parating nyong tandaan na kahit wala ka na, na kahit wala ka sa tabi namin. Ikaw pa rin ang nag iisang Papa namin. Ikaw pa rin ang nag iisang Hari ni Mama.

Pa, i miss you, sobra. Salamat po sa lahat ng mga pagsasakripisyo. Paalam.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon