196. 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗚𝗔

121 1 0
                                    

Titila ang ulan
Hindi titila
Titila ang ulan
Hindi titila.

Heto na naman ako
Pinangungunahan ang bawat segundo
Mga araw na tila hindi nagbabago
Mga eksena'y akin ng kabisado.

Nakakalungkot, nakakawalang gana
Na kung dati'y sabik ako sa umaga
Ngunit ngayon, ewan ko ba
Tinatamad na akong bumangon
—simula ng mawala ka.

Teka, sayo na naman mauuwi ang paksang ito
Nakakatawa't paulit-ulit ako
Paulit ulit na binabalikan
Ang ating nakaraan.

Umaga
Unang umaga na imumulat ang mga mata
Unang umaga na ikaw ang katabi sa kama
Umaga na ikaw ang unang makikita.

Unang umaga na kaharap ka sa mesa
Umagang kasabay sa paghigop na kapeng aking itinimpla
Umagang unang pagsilay ng ngiti habang nakakatig sa'yo
Bawat galaw mo'y dahilan sa pagkumpleto ng araw ko.

Kung pwede ko lang itigil ang oras na kasama kita
Ginawa ko na
Kung pwede ko lang ibahin ang pagdaloy ng bawat umaga
Hindi ka sana nawala, hindi ka sana naghanap ng iba.

Ang unang umagang kasama ka
Hindi man lang ako nabigyan ng ideya
Na iyon ay huli na pala.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon