76. MANHID

226 2 0
                                    

MANHID

Nakakatawang isipin
Na hindi mo makita ang lahat ng ginagawa ko
Nakakalungkot isipin
Na ang katotohanang wala kang ginagawa pero eto ako, nagpapa apekto.

Hindi mo ako makita bilang ako
Pati ang puso kong isinisigaw ang pangalan mo
Hindi ko na alam ang dapat na gawin ko
O may dapat nga bang gawin ako para sa iyo?

Ilang beses ko na bang sinubukang
Kausapin ka pero parati kang umiiwas
Ilang beses ko na bang sinubukang
Hawakan ang mga kamay mo pero parati ka na lang pumipiglas.

Ilang beses ko na bang sinubukang
Habulin ka pero palagi ka na lang tumatakas
Hanggang kailan ko ipaparamdam
Ang pagmamahal kong wagas?

Hindi mo ba maramdaman ang nararamdaman ko para sa'yo?
Hindi mo ba maramdaman ang nararamdaman ng puso ko?
Hindi mo ba naririnig ang sinisigaw ng puso ko ay ang pangalan mo?
Wala ka bang nararamdaman kahit kaunti dyan sa puso mo?

Gusto kita pero wala naman akong magawa
Wala naman akong magagawa kung ayaw mo sa' kin di ba?
Na kahit sa paglapit ko pa lang sa'yo lumalayo ka na
Na kahit hahawakan pa lang kita, para akong may sakit dahil umiiwas ka bigla.

"Dens, okay ka lang?"

Nilingon ko ang kaibigan kong malamya ang tingin sa akin kaya naman kahit kumikirot ang puso ay ngumiti ako para ipakitang ayos lang ako. Tinapik niya ang balikat ko kaya naman napanguso ako sa kanya.

Inabala ko ang sarili sa pagmamasid sa mga dumaraan, andito kasi kami sa labas ng bahay namin. At kani-kanina lang ay nakita kong dumaan si Tero na kasama si Yena na dahilan ng pagkirot ng puso ko.

Si Tero, matagal ko na siyang gusto at alam niya iyon pati ng mga barkada namin pero hindi ito gaya ng napapanood natin sa tv, hindi ako ang bida sa sarili kong kwento dahil para akong extra na nagpupumilit pumasok sa kwento nina Tero at Yena.

Gusto nila ang isa’t isa. Alam niyo na kung ano ang susunod na kwento. Hindi ako gusto ng taong gusto ko. Anong dapat gawin? Kung iiwas ako sa kaniya, madadamay pati ang barkada dahil halos araw-araw, magkakasama kami. At araw-araw din akong nasasaktan sa mga tingin niyang pakiramdam kong hindi siya interesado sa akin.

Alam niyo ba ang ganoong pakiramdam? Wala kang pagpipilian kundi ang masaktan na lang. Kahit alam kong masasaktan ako kapag titingnan ko sila, hindi ko maiwasang pigilan kasi nakukuha talaga nila ang atensyon ko. Mártir ba ang tawag sa akin? Na kahit nasasaktan na ay patuloy pa rin. Patuloy pa rin na ginugusto ang taong gusto ko na alam ko namang hindi ako magugustuhan.

Para akong ibon na nakakulong pero may butas na pwedeng daanan para makalabas pero pinipili ko pa ring magpakakulong. Ang labo di ba? Alam ko naman ang dapat gawin pero hindi ko ginagawa, pinipili ko pa rin na gustuhin siya.

“Mauna na kayo, babalik agad ako.”

“Saan ka na naman? Puro ka na lang Yena, tol ha.  Sige, bilisan mo lang.”

Andito kami nina Seri at Tamya sa kabilang mesa pero ang atensyon ko ay na kina Tero at William. Nagtama ang tingin namin ni William na siyang kaaalis lang ni Tero.

“Babalik din daw siya.” aniya nito na ikinatango ko saka bumaling sa pagkaing nasa harapan ko.

Isasama niya ba ulit dito si Yena? Malamang. Balik eksena na naman ako. Magkukunwaring hindi naaapektuhan. Magkukunwaring maayos lang ang lahat.

Gaya nga ng nasa isip ko kanina lang ay narito na nga si Tero at Yena. Katatapos lang naming kumain nina Tamya at Seri pero andito pa rin kami sa mesa bilang pakikisama sa mga bagong dating.

Mula pagkarating nila ay hindi ko na tinangka pang tingnan si Tero dahil baka bumigat lang lalo ang loob ko sa nangyayari. Alam naman niya kung anong nararamdaman ko para sa kaniya pero bakit parang balewala lang iyon sa kaniya? Hindi ba niya maisip na kapag nakita ko silang magkasama ay masasaktan ako? Sabagay ano lang ba ako sa kaniya? Hindi nga naman niya obligado kung ano ang mararamdaman ko dahil ang obligado niya ay ang mararamdaman ni Yena.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon