36. FUCKBOY, SAAN KA NAGMULA?

376 8 1
                                    

FUCKBOY, SAAN KA NAGMULA?

Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa
Uumpisahan ko na
Fuckboy, saan ka ba nagmula?
Sinu-sino nga ba ang gumagawa?

Hindi ko lalahatin ang mga lalaki
ngunit may mga ganito talaga
nagagawang manligaw ng babae
at kung minsan nga’y pinagsasabay pa
—dalawa, tatlo, apat, lima? Nakaka(t)awa.

At kapag ang gusto’y nakuha na
iiwan na para bang wala na itong halaga
ang totoo, minahal niyo ba talaga sila?
o naakit lang kayo ng sarili ninyong mga mata?

Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng loob niyo
guwapo o hindi guwapo, nagagawa niyong manloko
pinahahalagahan kami hindi ‘yong paglalaruan kung kailan ninyo gusto
naturingan kayong anak ni Adan kaya sana, umasta kayong isang Ginoo.

–Uulitin ko, hindi ko lalahatin ang mga kalalakihan
Ngunit, may mga hindi talaga marunong makuntento sa isa
Bakit nga ba parati na lamang kayong may reserba?
Kung ayaw na sa una, okay lang nariyan naman si pangalawa

Ang iba naman, bumabase sa labas na kaanyuan
Kapag may maganda at sexy, agad itong liligawan
Hindi kami isang damit, tandaan niyo 'yan
Na kapag may nakitang mas maganda, bigla niyo na lang kaming papalitan.

Ang hirap kasi sa inyo
Hindi kayo marunong magseryoso.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon