73. CRUSH III

250 5 0
                                    

CRUSH III -I'm Sorry :(

Hindi ko alam kung bakit nga ba
Kung bakit nga ba hirap akong iwasan ka
Kase sino bang may gusto nang umaasa lang sa wala?
Aasa na naman ako, alam mo kung bakit? Kase nga gusto kita.

Oo na, gusto parin kita
Anong magagawa ko kung sa tuwing nakikita ka
Bigla-bigla nalang akong nakakaramdam ng kaba
Gusto kita at alam kong hindi naman yun nag-iba.

Sa sobrang pagkagusto ko sayo, nakagawa ako
Nang isang bagay na hindi ko naman talaga ginusto
Kase alam kong sa huli, paparatangan mo akong manloloko
Pero nagawa ko lang naman yun dahil sa pagkakagusto ko sayo.

Gumawa ako ng isang dummy account kung saan iba ang mukha
Pero parang nahalata mo iyon bigla
Nag-deactive ako ng pansamatala
At ngayon, masaya akong nakakausap kita.

Andyan yung biruan, hihingi ka ng payo
Mga payo na tungkol sa nararamdaman mo
Bukal sa puso ko ang magbigay kahit nahihirapan ako
Talaga nga bang wala akong pag-asa sayo?

Sa tuwing magtatanong ka tungkol sa akin
Kinakabahan man pero pinipilit kong ibahin
Ang usapang ayaw kong sagutin
Natatakot akong baka malaman mong ako rin yun pero gustung-gusto naring sabihin.

Kase kapag dito sa dummy account, nakakausap kita
Pero sa official account ko hindi mo ako ina-accept kaya dito ako gumagawa
Gumagawa ng paraan para lang makausap ka
Pero alam kong mali ito, pero dito ako nagiging masaya.

Dito kase sa dummy account nagagawa kong patawanin ka
Andyan yung palitan tayo ng mga biruan kung saan napapangiti mo ako ng sobra
Mga knock-knock mong sobra akong napatawa
Mga hirit mong sobra-sobra akong pinasaya.

Pero iniisip kong hindi pala ako yung totoong kausap mo
Kase isa lang itong Dummy Account na hindi totoo ang mukha ko
Mukha iyon ng ibang babae kaya nasasaktan ako
Bakit ba kase ang suplado mo sa personal? Sabagay panget kase ako.

Pero sasabihin ko rin ang totoo
Aaminin kong isa lang yung Poser at tatanggapin ko
Tanggapin ko kung magagalit ka ng sobra dahil nanloko ako
Na pinagmukha kitang tanga kase ako pala to.

Sorry ha? Kase gusto kita
Gusto kita at napapasaya mo ako kapag nakikita kita
Yung kahit hindi mo ako tinitingnan, ayos lang kase andyan ka
Napapabilis mo na agad ang tibok ng puso ko kahit wala ka namang ginagawa.

Alam kong masama ang ginawa ko
At hindi sapat ang dahilang idadahilan ko sayo
Hindi sapat ang dahilan kong gusto kita para manloko
Inaamin ko namang na mali talaga ang ginawa ko.

Pasensya kana ah? Kase nagawa ko’yun
Pasensya kana kung masyado akong nagpadala sa emosyon
Pasensya kana kung sobra-sobra akong kung gumawa ng sarili kong imahinasyon
Sobrang pasensya na talaga pero totoo, hindi ko talaga yun intensyon.

Pasensya kana kung gumawa ako ng katauhan ng iba
Para lang makausap kita, pansensya kana
Pasensya na dahil nagpakilala ako bilang isang ******a
Ayos lang sakin na magalit ka dahil may ginawa naman talaga akong hindi maganda.

A***** ang totoong kong pangalan
Inaamin kong pinlano kong gumawa ng Dummy Account pero agad kong tinigilan
Kase agad mo ring napaghalataan, kalaunan
At natatakot akong bigla mong malaman.

Masama bang magkagusto ako sayo?
Masama bang magustuhan ko ang katauhan mo?
Siguro nga masama dahil magkaibang-magkaiba tayo
Hindi naman talaga kase hindi ako yung babaeng tipo mo.

Alam kong hindi magiging sapat ang Sorry ko
Kase unang-una nakasakit ako
At nasaktan kita, ikaw na gusto ko
Nakasakit ako dahil lang sa nararamdaman ko.

Manloloko ako kase niloko kita
Ang tanga ko kase pinagmukha kitang tanga
Ang sama ko kase ginawan kita ng masama
Pasensya kana talaga ha?

Susubukan ko
Susubukan kong alisin ang pagkakagusto ko sayo
Huwag kang mag-aalala dahil titigil na ako
Hindi na ako mangungulit. Ayoko nang manggulo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon