23. CRUSH II

638 16 1
                                    


CRUSH II

Sabi nila 'crush makes you smile'
Pero bakit ako? He always makes me cry?

Nakalagay sa unang tula na iiwasan na kita
CRUSH ang pamagat at sinasabi ko doon na hindi na muling aasa
Pero bumalik ang dating wala ng pag-asa
Dahil lang ba sa nagtama ang ating mga mata?

Sinubukan ko ang iwasan ka
Pero mahirap din yun dahil araw-araw kitang nakikita
Iniwasan kona rin na ikaw ay istalkin
Pati hindi narin kita madalas isipin.

Pero isang araw, inistalk kita
Na dapat pala ay hindi kona ginawa
Bigla nalang may pumatak na luha
Na agad kong pinunasan dahil baka may makahalata.

Profile picture mona magkasama kayo
Magkasama kayo at may ngiti sa labi mo
Ang iyong labi ay nakadampi
Sa kanyang medyo mapulang pisngi.

Ang kamay mong naka-akbay sa kanya
Habang pareho kayong nakatingin sa camera
Caption mong may pangalan nya
Mensaheng para sa inyong dalawa.

Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman
Ang tanging kayakap ko nun ay mismong aking unan
Mahirap talaga na kapag ang gusto mo ay meron ng nililigawan
Na syang sinagot ka na pala kaya bihira nalang kitang masilayan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon