58. KAIBIGAN O KA-IBIGAN

312 3 0
                                    

KAIBIGAN O KA-IBIGAN

Ano ba ang kaya mong isakripisyo
Para sa pagka-kaibigan niyo?

Simula pagkabata, tayo na ang magkasama
Magkapatid na nga ang turing natin sa isa't isa
Nagsasabihan ng mga sikreto't problema
Magka-agapay na tayo sa lungkot at saya.

Pero bigla akong sinubok ng lapalaran
Ang hirap naman yatang sumugal
Sinabi mo sa akin kung sino ang iyong nagugustuhan
At iyon ay lalaking palihim kong minamahal.

Hindi ko pinaalam na sa'yo
Na mahal ko ang lalaking gusto mo
Dahil nakikita ko sa mga mata mo ang saya
Na masaya ka habang kinukuwento mo siya.

Nagpaubaya ako
Pinigilan ko ang nararamdaman ko
Hinayaan kita na maging masaya
Habang nilalabanan ko ang sarili kong pagdurusa.

Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro
Ang lalaking mahal ko ay mahal din pala ako
Ngunit ang puso ko'y hindi mahanap ang saya
Dahil alam kong masasaktan ka.

Kaya kahit pareho kami ng nararamdaman
Mas pinili ko pa rin ang ating pagka-kaibigan
Mahal ko siya pero mas mahal kita
Mahal kita kasi kaibigan kita.

Isinakripisyo ko ang sarili kong kasiyahan
Dahil ayokong mawala ang matagal nating pinagsamahan
Pagsubok lang ito para sa tatag ng pagka-kaibigan natin
At alam kong kakayanin natin.

Hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan nating dalawa dahil lang sa ang lalaking mahal ko at ang lalaking gusto mo ay iisa. Kaya kong isakripisyo ang nararamdaman ko, huwag lang mawala ang pagka-kaibigan nating dalawa. Marami namang lalaki dito sa mundo pero ikaw na kaibigan ko, nag-iisa ka.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon