155. GHOSTING KA, PRE?

231 0 0
                                    

GHOSTING KA, PRE?

Nakakatawang isipin
Na pagkatapos mo akong guluhin
Sa mga banat na ibinabato mo sa' kin
Ay biglaan mo na lang akong lilisanin.

Hindi dapat ako apektado sa paglisan mo
Wala dapat akong pakealam sa'yo
Hindi dapat ako nasasaktan ngayon sa ginawa mo
Pero siguro nga, sa iyong bitag ay nahulog ako.

Sa mga banat mong sa' kin ay nagpakilig
Dumating ang araw na ikaw parati ang aking bukambibig
Hanggang sa tuluyan na akong nasanay sa iyong presensya
Na dapat pala, pinigilan ko na iyon mula sa umpisa.

Nariyan ang mga gabi na tayo ay nagkukwentuhan
Walang kupas na biruan at kulitan
At iyon ay unti-unti ko na ngang nakakasanayan
Ngunit hindi ako naging handa sa gagawin mong pang iiwan.

Nakampante kasi ako sa binitawan mong mga salita
Mga ipinangako mong naglaho rin na parang bula
Basta dumating na lang ang araw na wala kang paramdam bigla
Na labis-labis kong iniyakan at ipinagtataka.

Nakakainis, tipong gusto kitang sumbatan
Mga tadtad kong mensahe'y hindi mo na nagagawang tugunan
At ang mas lalong ikinaiinis ko ay online ka naman
Maging ang mga tawag ko ay pilit mong dini-decline.

Hindi ko na alam, ayoko ng ganito
Pagkatapos mong guluhin ang tahimik kong mundo
Pagkatapos mong gisingin ang natutulog kong puso
Bigla mo na lang akong lilisanin, ano ka, multo?

Magaling ka lang bumanat ng mga salita
Hindi mo naman kayang ipakita o isagawa
Ang galing mong magpa ikot gamit ang matatamis mong linya
Pagkatapos mong pahulugin sa bitag mo, lilisanin mo na lang bigla.

Ghosting ka, pre?
Gusto mong sapak mga bente?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon