160. MAAWA KA SA SARILI MO

223 0 1
                                    

Gusto kitang sapakin para magising ka na
Magising ka sa katotohanang tama na
Huwag ka nang magpaka-tanga
Sa sarili mo'y maawa ka!

Sinasaktan ka na nya!
Pinaiiyak ka na!
Tapos sasabihin mong 'mahal mo pa?'
Mahal mo sya, ngunit ang sarili mo'y mahal mo pa ba?

Maawa ka naman sa sarili mo!
Maawa ka sa mga taong nag-aalala sayo!
Huwag mo nang balik-balikan
Ang taong paulit-ulit ka 'ring sinasaktan!

Nang dahil sa lintik na pagmamahal mo sakanya
Sa sarili mo'y wala nang respeto na natitira!
Bumitaw ka na, umalis ka na, iwan mo na sya!
Huwag mo na sya'ng habulin, tama na!

Ikaw ang gumagawa ng mga ikasasakit mo!
Ikaw ang nagpapa-bigat sa puso mo!
Kumawala ka na sa ala-ala nyo'ng dalawa
Tama na, kalimutan mo na sya!

Dahil hindi ko kayang makitang nagkakaganyan ka
Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka ng dahil sakanya
Dahil doble ang sakit na nararamdaman ko
Hindi ko, alam kung bakit nahihirapan akong makita ganyan ang kalagayan mo.

Alam kong hindi madali ang hinihiling ko
Ngunit para sa'yo rin naman ito
H'wag mo nang pahirapan ang sarili mo sakanya
Sa sarili mo'y maawa ka.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon