105. BAKIT ANG MANHID NI CRUSH?

121 0 0
                                    

BAKIT ANG MANHID NI CRUSH?

Para s'yang yelong malamig
Sa tuwing ang mga mata nya'y sa akin tititig
Hindi 'man lang nya ramdam na ako'y kinikilig
Habang ako naman, parang maiihi pa yata sa banig.

Wala ba s'yang pakiramdam?
Na may pagtingin ako sakanya, hindi ba nya talaga alam?
Oh baka naman wala talaga s'yang pakealam?
Ang gustuhin nya rin ako pabalik, ay matagal-tagal ko ng inaasam-asam.

Matagal-tagal ko na rin s'yang gusto
Halos umabot na rin ako sa punto
Na aminin 'yung nararamdaman ko
Pero miski isa, wala akong makitang motibo.

Para s'yang bulag na hindi ako makita
Nasa harap na nya ako, nakatingin pa rin sya sa iba
Na kahit anong gawin kong pagpapapansin sakanya
Sa huli, ako lang rin 'yung nagmumukhang tanga.

Para s'yang bingi
Ni hindi nya marinig ang matulin kong tili
Sa tuwing masisilayan ko ang kanyang mga ngiti
Ang magagandang mga ngiti sa kanyang labi.

Para s'yang manhid
Na kahit ako sakanya'y parating nakaaligid
Pawang ako ay wala sa kanyang paligid
Mistulan s'yang aking hangin sa malawak na himpapawid.

Gusto ko s'yang hampasin, batukan
Suntukin, tadyakan
Kurutin, saktan
Baka sakaling meron s'yang kahit katiting na maramdaman.

Baka maramdaman n'yang gusto ko sya
Baka sakaling ako ay kanyang mapansin na
Baka sakaling malaman nya
Na ginugusto ko sya.

O baka nakakaramdaman naman talaga sya
Pero binabalewala lang nya
Minsan, nahuhuli ko s'yang nakatingin sa'kin
Pero agad rin s'yang iiwas ng tingin.

Nahahalata naman siguro nya
Na may gusto ako sakanya
Pero tulad nga ng nasabi ko kanina
Baka binabalewala lang nya.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon