125. PANGAKO

178 2 0
                                    




PANGAKO

Nangako tayo sa isa't-isa
Na ang relasyon nating dalawa
Ay pananatilihin nating masaya
Lalagpasan ang bawat mga problema.

Nangako kang hindi mo ako iiwan
Na ang aking mga kamay ay iyong kakapitan
Na kailanman hindi mo nanaiising bitawan
Pangako mo na aking pinaghahawakan.

Walang bibitaw, walang lilisan
Walang susuko, walang iwanan
Mga katagang ating sinumpaan
Mga isinambit mo para sa ating pagmamahalan.

Wala na akong ibang mahihiling pa
Abot langit ang nadaramang saya
Hindi mapapantayan ng iba dahil akin ka
Dahil akin ka, ikaw at ako kapwa'y iisa.

Ngunit ang iyong mga pangako
Ay mistulang naging hugis bato
Sa hindi inaasahan kunwa'y napako
Dahilan para tumigil ang aking mundo.

Kung saan ang relasyong ating sinimulan
Ay biglaan mo nalang winakasan
Winakasan ang ating pagmamahalan
Na kung tawagin mo noon ay walang hanggan.

Walang hanggan? Yan ang pangako mo hindi ba?
Yun ang mga sinumpaan natin sa isa't-isa
Na gagawin ang lahat, wag lang tayong masira
Pero bakit nagkakaganito tayong dalawa?

Akala ko'ba, sabi mo walang iwanan?
Nasaan na ang iyong mga sinumpaan?
Nasaan na ang mga katagang iyong binitawan?
Bakit mo ako iniwan ng walang kalaban-laban.

Sana hindi mo nalang ako pinangakuan
Na ilang mga bagyo man ang dumaan
Hindi mo ako iiwan
Pero sa lagay natin ngayon, ikaw pa mismo ang nang-iwan.

Sabi nga ng iba, na lahat ng tao
Ay mistulang nagbabago
Hindi ko naman inaakala na pati ikaw makikiuso
At ang ibidensya nito ay tinapos mo kung ano man ang meron tayo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon