2. MAHAL, BAKIT?

2.9K 49 7
                                    

MAHAL, BAKIT?

Isang taon
Isang taon ang tinagal ng ating relasyon
Relasyon na binigyan natin ng buong atensyon
At isang taon na ang nakalipas ngunit
hindi ko pa rin magawang mag move-on.

Noong una, hinayaan kita
Kasi sabi mo, kaibigan mo lang siya
Hindi ako nakinig sa mga sinasabi ng iba
Wala akong pinaniniwalaan miski isa man sa kanila.

Hanggang sa isang araw naalala ko
Hindi natuloy ang lakad natin kasi sabi mo
Marami ka pang kailangang asikasuhin sa trabaho
Hindi naman ako nanghinala dahil may tiwala naman ako sa iyo.

Ngunit bakit nagsinungaling ka?
Akala ko ba sa trabaho ang punta mo pero bakit kasama mo siya?
Namulat ako sa mga sandaling iyon
Tila'y nasa malalim na balon ang ating relasyon.

Lumipas ang ilang araw ng hindi ko iyon ipinaalam sa iyo
Nagbubulag bulagan ako
Pero parang sumusobra ka na yata
Hindi mo na ako binibigyang respeto't halaga.

Hanggang sa kinompronta na kita
Sinabi ko ang nakita ko nong makalawa
Kita ko ang pagkagulat sa iyo
Sa bawat ekspresiyon mo na nakikita ko.

Ang iyong sinabi ay siyang kinahina ko
Mga salitang ayaw ko manggaling mismo sa'yo

Pwede mo pang bawiin 'yon mahal, hindi ako maniniwala
Pero bakit pinaulit ulit mo pa, ang salitang mahal mo na siya?

Gusto kitang sampalin sa sinabi mo
Mahal mo na siya pero mahal paano naman ako?
Anong magiging puwang ko sa'yo?
Pinangako mong tayo lang dalawa pero bakit parang ako pa extra sa ating tatlo!

Nasaan na ang mga sinabi mo?
Bakit parang ikaw pa ngayon ang nagbago?
Pero baka nga nagbago ka kasi may pagkukulang ako?
O sadyang hindi ka lang talaga marunong makuntento.

Pero hindi kita sinuko
Pinaglaban kita kahit alam kong ako ang talo
Ano nga bang laban ko?
Ako nga 'yong kasama mo pero siya na ang mahal mo.

Nakiusap, lumuhod sa'yo
Tinatanong kung may pagkakamali ba ako?
Pero isa lang sinabi mo
"Palayain mo na ako'.

Tinitigan ko ang mata mong lumuluha
Humihingi ka ng patawad sa iyong ginawa
Nakikiusap kang itigil na ang relasyon nating dalawa
Pero imbis na magalit ako ay natuwa.

Natuwa dahil inamin mo ang pagkakamali mo
Natuwa dahil hindi ako ang mali dito
Pero lamang pa rin ang sakit dahil tinatapos mo na
Ang relasyong matagal kong pinangalagaan na sya'ng kwento nating dalawa.

Kahit hindi na ikaw at ako
Pipilitin kong maging masaya sa kwento nyo
Kung saan ikaw ang bida at sya na ang kasama mo
Kwento kung saan naging parte din ako.

Ngayon, lihim na umiiyak sa tabi
Pinipilit na ngumiti
Masaya akong ikakasal ka na sa kanya
Pero hindi ko maiwasang isipin na sana ako ang nasa pwesto nya at hindi sya.

Mahal, sana katulad mo rin ako
Paano mo nagawang kalimutan agad ang ating kwento?
Paano ka nagiging masaya na hindi ako ang nasa tabi mo?
Paano mo nagagawang mamuhay na hindi mo na kailangan pang makita ako?

Mahal, huling linya ng ating kwento
Na sana wag mong pakawalan ang babaeng pinili mo na sana ako
Pangako, pipilitin kong maging masaya sa ibang tao
Lalo na sa taong nandyan sa mga panahon na lugmok ako sa lungkot, ang kaibigan mo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon