64. WATTPADER AKO

284 16 1
                                    


Kapag Wattpad ang usapan
Ano ang pumapasok sa iyong isipan?

Wattpad, wattpad, wattpad
Parati na lang ako sayo'y babad
Sa pagbabasa'y hindi na ako makausad
Kaya naman para sa' kin, itong Wattpad ay walang katulad.

Tinatangay sa mga linyahang matitinik
Sa susunod na kabanata'y sabik na sabik
Itotodo ang brightness para makita ang mga titik
Hindi ko itatanggi na sa wattpad, ako'y adik na adik.

Dito ako natutong magpuyat
Hating gabi'y mistulan pa ring mulat
Pinipilit pa ring ang mga mata'y idilat
Sa mundo ng Wattpad, ako ay magsusulat.

Kahit ang lahat ng ilaw ay nakapatay na
Kahit pumupungaw na ang mga mata
Palaging sambit ay 'last chapter na talaga'
Hanggang sa nawili at inabot na ng madaling araw, kakabasa.

Mga hikab na pilit nilalabanan
Pati sa pagligo ay nakakaligtaan
Maging sa tamang pagkain ay nalilipasan
Huwag lang mabitin sa istoryang, kinahihiligan.

Dito ko lang naranasang kiligin na mag isa
'Yung tipong mahahawa ako sa kilig ng mga bida
'Yung tatawa kapag may nakakatuwang eksena
At ang lumuha kapag tagos na tagos ang kanilang mga linya.

Ang istoryang pinaka-paborito ko
Syempre ang bida na si Sensui at Taguro
Si Deib Lhor na hinahabol ng mga puso
At si Maxpein na tila'y walang pakealam sa mundo.

Si CeCelib ang may pinakamaraming alagad
Sa imbitasyon, marami ang nais at naghahangad
Ang nag-iisang hudyat, FuckMeHard
'Welcome to the Temptation Island'

Hindi rin pahuhuli ang 'The Hell University'
Ang mga bida na sa ati'y nagpakilig at nagpatili
Inggit ako kay Zein dahil may Ace Craige s'ya
'Yung supremo na di takot makipaglaban pero takot sa pusa.

Nangingibaw ang 'The four bad boys and me'
Si Candice at Jeydon, 'yan syempre!
At ang istoryang 'Titan Acedemy'
Na ang may akda ay walang iba kundi si april_avery.

Sinubaybayan ko ang istorya nina
Top, Samantha Miracle at ni Jared
Maging ang mga bida naman na sina
Cross Stanford at ni Eya Rodriquez.

Gusto ko ding palitan si Miyuki Sharlot Parco
Sa puso ni Baby Lance Mariano
Ano ba iyan at nahihibang na tuloy ako
Bakit kasi, hanggang karakter lang sila! Huhuhu.

Mga istorya na ito ay lubusan akong pinaluha
Taste of the Sky, Stay Awake Agatha
Pati ang Ten Year Gap, I Love You Since 1892
Isama pa ang 'The Day She Said Goodnight'.

Marami na akong nabasa na iba-iba ang klase
Dahil nga sa wattpad, hindi na ako inosente
Karamihan sa ina-add ko sa aking library
Ay halos napuno na ng Spg story!

Jonaxx, 'let's talk' nag iiba ang aking isipan
CeCelib, 'I'm cumming' pina-iinit ang aking katawan
Maxinejiji, 'hindi ako interesado' hambog ang linyahan
Owwsic, na kayangkaya kang dalhin kay kamatayan.

Mga Author na hindi ko makakalimutan
Mga istoryang nilikha nila para sa sambayanan
Mga istoryang kinupupulutan din ng aral
Ang Wattpad ay hindi hadlang sa pag-aaral.

Sa tuwing marami akong nababasang libro
Dumarami din ang bilang ng nagiging asawa ko
Sa dami nila, pinagkasya ko sila sa aking puso
Hayaan nyo na, alam naman natin na hindi sila nag-eexist dito sa mundo.

At dahil sa Wattpad, marami akong natututunan
Sa kahalagahan ng tunay na pagkakaibigan
Sa tunay na halaga sa salitang pagmamahalan
Marami akong napagtanto na tumatak sa aking isipan.

Kaya naman, mawala na ang lahat 'wag lang ang Wattpad. Dahil ipapapatay ko talaga kayo sa asawa ni Aimee na si Zeke Roswell, hindi naman kaya'y isusumbong ko kayo kay Ara, hehe.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon