103. HANGGANG TINGIN NALANG BA?

160 1 0
                                    

HANGGANG TINGIN NALANG BA?

Sa tuwing nariyan ka
Bigla akong napapatulala
Sa mala-anghel mong mukha
Na para bang ibinaba ka nang langit sa lupa.

Para akong bulate na binudburan ng asin
Ng biglang magtama ang ating paningin
Para akong binaril, gusto kong himatayin
Ayaw paawat ang puso ko, hindi maiwasang kiligin.

Impit na napatili kasabay ng pagtalikod mo
Gusto kitang habulin at umamin sa'yo
Nais ipaalam ang nararamdaman ko
Na gusto kita, na pangalan mo ang sinisigaw ng aking puso.

Ngunit bigla akong sinapak ng tadhana
Ng maalalang may gusto ka pa lang iba
Pasimple akong natawa pero agad 'ding nawala
Napahawak sa dibdib at ang sakit ay nais kumawala.

Iniisip kung mali ba o tama
Tama bang sabihin ko ang aking nadarama?
Aaminin ko ba sa'yo na gusto kita?
O hanggang tingin na lang ba?

Hanggang tingin na lang ba?
At sa malayo'y lihim na pagmamasdan ka
Pagkat ang puso ay labis na natataranta
Hanggang tingin na lang ba talaga?

Ni hindi ko kayang lumapit sa'yo
Hahakbang pa lang, nanghihina na ang tuhod ko
Kasabay ng pagkabalisa ng aking isipan at puso
Nagdadalawang isip kung aamin ba ako.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon