52.

289 2 0
                                    


TATAKBO, TATALON SISIGAW ANG PANGALAN MO

Ang pag-ibig ay hindi isang sugal na sa lahat ng laban ay dapat mong tayaan. May pagkakataon kang pumili, huminto o lumaban. Hindi mo kailangang maging tanga o magpabulag sa taong hindi ka binibigyang importansiya.

Hindi mo kailangang magtiis para lang may manatili. Hindi mo kailangang maging madamot sa sarili mo para lang maibigay lahat ng nais ng taong mahal mo. Dahil ang pagmamahal, kailanman hindi naging makasarili. Hindi komplikado, hindi madaya dahil tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran, tayo mismo ang may hawak ng pag-ibig na mayroon tayo.

Kung alam mong toxic na bakit hindi mo pa piliing bumitaw? Piliing maging malaya.

. Ang pag-ibig, masaya iyon hindi nagpapasakit o nakakasakit.

Pinagmamasdan ko ang ating mga larawan
Noong panahong may saya pa ang ating pagmamahalan
Noong panahong ako pa ay iyong pinahahalagahan
Noong panahong
Ang dati na hindi na nga ba kayang solusyunan?

Mahal, naririnig mo ba?
Ang pakiusap kong bumalik kana?
Ang pakiusap na sana sinagip pa nating dalawa
Ang relasyon na kung saan nangako tayong pilit na isasalba.

Mahal, nasaan na ang mga pinangako mo?
Alam mo ba na ang lahat ng iyon ay pinanghahawakan ko?
Kase may tiwala akong kailan-man hindi ka magbabago
Pero bakit ngayon? Bakit pilit kang lumalayo?

May ginawa ba akong hindi mo nagustuhan?
May kasalanan ba akong hindi ko nalalaman?
May tampo kaba kaya hindi mo ako nilalapitan?
O baka may iba kana kaya pilit mo akong iniiwasan?

Hindi ako bulag, mahal napapansin ko'yun lahat
Ngunit hindi ko pinaniniwalaan hanggang hindi ikaw ang nagtatapat
Kinimkim ko ang lahat sakit at pilit kong huwag manumbat
Pero ang lahat ng iyon ay kusang sumabog hanggang sa kumalat.

Mahal, nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?
Yung pagdurog ng puso ko na syang kagagawan mo
Yung paghapdi at pagkirot lahat ng iyon ang dahil sayo
Ginawa kona man ang lahat di'ba pero bakit ganito?

Pilit kong isinasalba
Pero ikaw tong gumagawa ng problema
Pilit kong binibigyan lahat ng sagot para makaya
Pero lahat yun hindi mo binigyan ng halaga.

Iiwan mo'na ba ako?
Wala na'ba talaga akong halaga sayo?
Hindi na nga ba talaga ako ang mahal mo?
Wala na ba talagang ibang paraan para maisalba ang tayo?

Kusa na ba akong magpaparaya?
Hindi na nga ba ako ang dahilan kung bakit ka masaya?
Talaga bang sya na ang dahilan kung bakit sa akin ay ninanais mo nang lumaya?
Talaga bang hindi na kita mapipigilan, mahal baka pwede pa?

Maaari bang huwag mo muna akong iwan?
Maaari bang ibalik kung saan ako'y iyong nililigawan?
Yung dati na ako ang iyong iniingatan?
Mahal, pakiusap wag ganito hindi ko kaya wag ka munang lumisan.

Baka pwede pang malusutan?
Baka pwede pang dugtungan?
Baka pwede pang pahalagahan?
Baka pwede pang ibalik ang dating masayang pinagsamahan?

Mahal, wag naman yung ganito
Wag mo naman akong iwan, baka pwede bang ayusin natin to?
Naaalala mo'ba yung pinangako mo sa'kin na walang susuko?
Mahal, maaari bang gawin mo'yun at piliin ako?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon