30. UWI LAYAS, ALIS

329 7 0
                                    

UWI, LAYAS, ALIS

Mahal akala ko ba hindi mo ako iiwan?
Di ba nangako ka sa'kin na gagawin mo ang lahat maging perpekto lang ang ating pagmamahalan?
Ngunit bakit ka sumuko sa napakaliit lang na problema na dapat sabay nating lagpasan
Pero ang lagay natin ngayon parang nakawala sa hawla dahil bigla mo akong binitawan.

Uwi. umuwi kang may kasamang iba
Ibang babae at nakahawak ka pa sa baywang nya habang nakangiti pa
Mahal, anong bang nangyayari sayo at bakit parang hangin lang ako na hindi mo nakikita?
Pagod kana ba sa relasyon natin kaya hindi mo ako tinutulungan sa ating problema?

Mahal, tumingin ka ng diretso sa aking mga mata
Hindi mo ba napapansin na minsan ay nakakapagod na?
Bakit hindi man lang gumawa ng solusyon na para sa ating dalawa?
Bakit mas pinili mo pang takasan ako at naghanap ka pa ng iba?

Layas. Nilayasan mo ako habang tayong nagtatalo
Hindi mo ba nararamdaman na minsan lahat inis ko ay nagtatago?
Bakit ngayon parang bigla-bigla ka nalang nagbabago?
Hindi ko makuha, ano bang nangyayari sayo?

Mahal, subukan mo ulit hawakan ang kamay ko
Mga kamay kong mahigpit parin na nakakapit sayo
Na kahit paulit-ulit mong nasasaktan hindi parin ako sumusuko
Kase nangako tayo na sa hirap at ginhawa, tayo parin hanggang dulo't punto.

Alis. Umalis kang wala man lang paalam
Mahal, talaga bang sa akin ay wala ka ng pakialam?
Lahat lahat ng sakit at kirot noon hindi ko naman dinamdam
Pero ngayong iniwan mo ako? Bakit ganyan ka? Nasaan na ang dating ikaw na kaya akong ipaglaban?

Umuwi kang hindi ako ang kasama
Nilayasan mo ako pati na ang ating problema
Umalis ka habang ako nagdurusa
Hindi malaman ang gagawin pagkat hindi ako sanay na wala ka.

Uwi, Layas at Alis
Lahat ng ala-alang puno ng hinagpis
Ikaw na wala akong ibang ginawa kundi ang magtiis
Alang-alang sa relasyon nating akala ko walang hanggan ngunit kabaligtaran ay sakit, pait at puro inis.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon