81. BAKIT DAW AKO SINGLE?

302 5 0
                                    

BAKIT DAW AKO SINGLE?

Bakit ako single?
Edi, tanong mo sa google!

Kaway-kaway sa mga single riyan!
Itaas ang mga paa, huwag mong ikahihiya iyan!
Masaya ang maging single, hindi ka masasaktan
Kesa naman sa mga may jowa na puro sakit lang ng ulo ang mararanasan.

Sinong no boyfriend since birth katulad ko?
Huwag kang mag-alala dahil marami pa tayo!
Hindi lang ikaw ang walang jowa dito sa mundo
Teka, jowa? Naghahanap ka ba ng ikakasakit ng puso mo?

Mas masaya kaya kapag single, di ba?
Wag kang hihindi, kung ayaw mong upàkan kita!
Kung single ka, dapat ipagmalaki mo iyon sa iba
Huwag na huwag mong iisipin na napaghuhulihan ka na.

Masyado mo bang pinoproblema na wala kang jowa?
O baka naman napupuno ka lang ng inggit sa iba?
Iniisip mo siguro na 'bakit sila merong jowa tapos ako wala?'
Bakit? Jowang jowa ka na ba? HAHAHAHAHA.

Eh ano, kung single ka? Ikamàmatay mo ba?
Hindi mo kailangan niyan, kaya mong mag-isa
Hindi mo kailangan ng jowa dahil marami kang mga tropa
Jowa? No thanks! Tropa mo pa lang dapat sapat na!

Bakit ka single, tanong sa iyo ng karamihan
Ito ang isagot mo 'Bakit? Ikayayaman ko ba yan?'
Tipong mas big deal pa sa sa kanila na wala kang kasintahan
Jusko, huwag mong problemahin iyan!'

Hindi mo kailangan ng ka holding hands;
kapag maglalakad ka sa daan
Hindi mo kailangan ng kayakap;
sa tuwing manonood ka sa sinehan
Hindi mo kailangan ng ka late night talks;
baka magkaroon ka pa ng pimples!

Hindi mo naman kasi kailangan ng jowa
Para lang masabi mong masaya ka
Para lang masabi mong hindi ka napaghuhulihan ng iba
Kung tutuusin nga, mas masaya pang maging single kesa taken di ba?

Kase kapag single ka, lahat pwede mong gawin
Walang magbabawal sa'yo kung ano ang dapat mong sundin






SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon