181. 𝗦𝗔𝗡𝗔, 𝗣𝗪𝗘𝗗𝗘 𝗧𝗔𝗬𝗢 [𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗮]

168 4 0
                                    


𝗦𝗔𝗡𝗔, 𝗣𝗪𝗘𝗗𝗘 𝗧𝗔𝗬𝗢 [𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗮]

Ayokong mag assume
na gusto mo ako
dahil lang sa nahuhuli kitang
nakatingin sa akin.

Ayokong mag-isip
ng kung anu ano
dahil ako lang din naman
ang masasaktan sa dulo.

Ayoko na yong pakiramdam na
tuwang tuwa ako
kapag nakikita kita
Iyung kilig na kilig ako
kapag nagtatama ang mga mata natin.

Ayoko ng ganito
Dahil pakiramdam ko
Bawat araw na dumaraan
Mas lalo kitang nagugustuhan.

Pero anong gagawin ko
Kung hindi ko na 'to mapigilan
Ayoko ng ganito
Dahil hindi mo na kasi ako masasalo.

Kapag nakikita kita
Bigla na lang akong matataranta
Pagkatapos 'nun, hindi na mawawala ang ngiti sa labi ko
Iba yung saya na dinudulot mo
Kaya 'nga natatakot ako.

Natatakot ako
Na yung kilig at saya na nararamdaman ko ngayon
Baka paglipas ng panahon
Masaktan ako.

Ayokong mag assume
Na pareho tayo ng nararamdaman
Sa tuwing tayo ay nagkakatinginan
Pero bakit mo kasi ako, tinitingnan?
Para saan?

Ngayon, masaya ako sa nararamdaman ko
Na parati kitang nakikita
Dahil 'dun, masaya ako
Pero, nasasaktan ako.

Nasasaktan ako
Kapag nakikita kitang kasama mo s'ya
Dahil pakiramdam ko
Imposibleng maging akin ka.

Oo, ini imagine ko na pwede tayo
Na girlfriend mo ko at boyfriend kita
Na malaya kong hawakan ang kamay mo
Malaya kitang titigan, pero hanggang  imagine lang.

Na alam kong hindi mangyayari
Dahil may girlfriend ka.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon