19. IKAW NAMAN MUNA

681 12 0
                                    


Kamusta ka na?
Nagpapahinga ka pa ba?
Ang hirap ng buhay, ano?
Kailangan araw-araw, trabaho.

Gigising ka ng umaga
Para maghanda sa trabaho
Uuwi sa gabi
Kakain tapos matutulog na
-sa ganyan ba umiikot ang buong araw mo?

Alam ko, minsan nagsasawa ka na
Nakakaramdam ka ng pagod pero hindi mo iniinda
May mga oras na gusto mo ng sumuko
Pero hindi mo pinipili kasi lahat naman ng ginagawa mo
alam kong para iyon sa pamilya mo.

Pero gusto kong sabihin
Sarili'y iyo na munang intindihin
Sa pagiging masipag mo, saludo ako sa'yo
Pero hindi rin masamang ipahinga saglit ang sarili mo.

Alam kong pagod ka
Kitang kita ko sa'yong mga mata
Kita ko ang antok na labis mong pinipigilan
Ramdam ko ang pagod na labis mong nilalabanan.

Alam kong ginagawa mo lahat
Kasi nakapatong sa'yo ang responsibilidad
Kasi ikaw ang inaasahan ng pamilya mo
Pero sana, kahit isang araw; ikaw naman muna.


SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon