195. KABILANG-BUHAY

138 2 0
                                    

Para sa' kin ang swerte-swerte ko
Dahil sa dami ng tao sa mundo
Tayo 'yong pinagtagpo
Ikaw 'yong tumanggap sa' kin ng buo.

Nagmahalan tayong dalawa
Bumuo ng masasayang ala-ala
Ang relasyon natin ay nagtagal
Hanggang sa inaya mo na akong magpakasal.

Nakapalibot ang mga mahal natin sa buhay
Habang magkahawak ang ating mga kamay
Nagsumpaan tayo sa harap ng ating Diyos Ama
Na mas magiging matatag pa tayo sa bubuuhin nating pamilya.

Hanggang sa nagkaroon tayo ng anak
No'ng makita mo siya, nagulat ako dahil bigla kang umiyak
Mas lalong tumatag ang samahan nating dalawa
Dahil may isang anghel na bunga ng pagmamahal natin sa isa't isa.

Akala ko, ang pamilya na natin ang pinakamasaya
Pero dinurog ako ng pagdusa sa biglaan mong pagkawala
Akala ko makakasama kita ng matagal
Pero agad kang binawi sa' kin ng Amang Maykapal.

Mahal, hindi ko alam kung paano ako muling magsisimula
Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ngayong wala ka na
Mahal, paano na ako? Paano kami ng anak mo?
Paano na 'yong sinumpaan nating mga pangako?

Ang sakit-sakit, hindi ko kayang tanggapin
Na ang lalaking minamahal ko ay wala na sa' kin
Na ang lalaking minahal ako ng sobra
Wala ng hininga.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon