109. SA UNA MO LANG PALA AKO GUSTO

131 1 0
                                    

𝖲𝖠 𝖴𝖭𝖠 𝖬𝖮 𝖫𝖠𝖭𝖦 𝖯𝖠𝖫𝖠 𝖠𝖪𝖮 𝖦𝖴𝖲𝖳𝖮

Sabi ko noon
Ang swerte ko dahil nakilala kita
Pero ngayon
Nagsisisi na ako ng sobra.

Sana pala, nagpigil ako
Sana pinigilan kong mahulog sa'yo
Sana pala noong una, iniwasan na kita
Edi sana ngayon hindi ako nagdudusa.

Sana hindi ako naniwala sa mga pangako mo
Pangakong 'tayo hanggang dulo'
Sana mas pinili kong magpaka pusong bato
Sana hindi ako naniwala sa sinabi mong 'kahit anong mangyari, sa'yo ako'.

Bakit ba kasi ang bilis kong maniwala
Bakit ba kasi ang bilis kong mahulog sa mga salita
Bakit ba kasi ako nagpadala sa mga linyahan mo
Bakit ba kasi hindi mo tinupad ang binigkas mong mga pangako.

Talaga nga yatang sa una lang masaya
Sa una lang interesado, sa una lang mahalaga
Sa una lang ang lahat, sa una mo lang pala ako gusto
Sa bandang huli, ako pa pala 'yong maghahabol sa'yo.

Sana hindi mo na lang pinangakuan,
Kung hindi mo naman pala kayang panindigan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon