22. GUSTO KITA, PERO HINDI AKO MAGBABAGO

752 12 0
                                    

GUSTO KITA, PERO HINDI AKO MAGBABAGO

Gustung-gusto kita
Sa sobrang pagkagusto ko sayo nagmumukha na pala akong tanga
Tanga dahil ipinapipilitan pa
Eh nalaman ko naman agad dahil may gusto ka pa lang iba.

Pero alam mo, sa halip na iwasan ka
Sumiksik pa rin sa'yo at umaasa
Pilit kong inaalis ang hiya
Nagbabakasalaking ako ang mapansin mo at hindi siya.

Kinukulit pa rin kita kapag hindi ka nagrereply sa mga messages ko
Tinadtad kita kapag lumalagpas ang ilang minuto
Pero bakit kahit hindi ako ang pinapansin mo?
Bakit hindi parin ako tumitigil kahit ikaw na mismo ang lumalayo?

Hindi ba pwedeng maging masaya?
Sabagay hindi naman ako sya
Sya na gusto mong palaging makasama
Sya na gusto mong makita tuwing umaga.

Ako lang to, simple
Simpleng babae na at never nagpapabebe
Hindi katulad nya ubod naman ng arte
Mukha nyang punung-puno ng mga kolorete.

Ganyan ba ang babaeng tipo mo?
Kaya kahit isang beses manlang hindi mo sinubukan ang pansinin ako?
Okay. Ako na ang lalayo
Iiwas, at hindi muling aasa na baka magkaroon ng Tayo.

Hindi ako yung babaeng madaling magkagusto
Pero ako rin yung babaeng hindi kailangang magbago
Magustuhan lang ng taong gusto ko
Hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang makita kung sino ako.

Hindi ko kailangang magbago
Kung magbabago man ako
Yun ay para lang sa sarili ko
Hindi para pamanghain ang ibang tao.



SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon