50. HINDI KA NYA GUSTO

245 6 0
                                    

HINDI KA NGA NYA GUSTO

Hindi ko na ito pahahabain,
ika’y akin ng didiretsahin
ayaw kitang paasahin
kaya sana ito'y iyong basahin.

Hindi ka ba nagtataka?
o baka naman napapansin mo na talaga
pinipili mo lang na magsa-walang bahala
sa kadahilanang ginugusto mo siya.

Andoon na tayo sa punto na gusto mo siya

at sa piyesang ito, dito mo malalaman
ang maraming salungat o kaibahan
dito mo mapagtatanto ang kahalagahan
ng iyong pansariling nararamdaman.

Ano ba ang hindi mo maintindihan?

na kahit anong iyak pa ang gawin mo riyan
kahit gawin mo man lahat ng mga paraan
u

ng ang gusto mo naman ay may ibang nagugustuhan
Hindi ito mabibigyang kahalagahan

Bakit ba ang hilig mong makipagsiksikan?
H'wag mong bigyan ng atensyon ang taong hindi ka magawang tingnan.

Pagmasdan mo nga 'yang sarili mo, masyado kang maganda
Sinasabi ko sa'yo itigil mo ang kakahabol sa kanya
Hindi ka aso para maghabol sakanya
-dahil isa kang binibining dyosa
Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang taong hindi ka binibigyan ng halaga.

Sinasabi mo 'bang hindi mo kaya na wala sya?
P'wes sasabihin ko sa'yo, nabuhay ka ng ilang taon ng wala sya kaya wag kang mag iinarte at sasabihing hindi mo kaya.

Huwag kang magpuyat kakahintay ng mensahe nya
Hindi 'yun magpaparamdam dahil wala ka lang naman sakanya
Pwede 'bang itigil mo na 'yang pagpapaka tanga?
Hindi ka naman kikita dyan dahil sa umpisa talo ka na.

Oo talo ka dahil pilit ka pa 'ring umaasa
Umaasa kang baka magustuhan ka nya?
Umaasa kang baka may pag asa?
Pwede ba, ako na ang nagmamaka awa hindi masama ang umasa pero tama na.

Ano? Nag hi lang sayo, kinikilig ka na?
Nagtama lang ang mga mata nyo, gusto ka na?
Magka parehas lang ang kulay ng damit nyo, soulmate na?
Nagkasalubong lang kayo, tuwang tuwa ka na?

Yan kase ang hirap sayo
Masyadong kang assuming, totoo
Huwag mo kase lahat bigyan ng motibo
Para sa huli hindi ikaw ang iiyak at talo.

Hindi ka nga nya gusto
Ano 'bang hindi malinaw sa sinabi nya sayo?
Hindi ka nya gusto, ano pa 'bang gustong marinig mo?
Bakit pilit ka pa rin sa kakaasa sa iisang tao?
Kapag hindi ka nya gusto, hindi ka nya gusto.

Mas lalo kang masasaktan kapag pinagmukha nya pa sayo ang totoo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon