140. SEEN

169 4 0
                                    

S E E N

Seen, apat na letra
Ang parating natatanggap mo sa kanya
Ibigsabihin, tumigil ka na
Dahil hindi ka mahalaga
At istorbo ka lang sa kanya.

Bakit ba kasi chat ka pa rin ng chat?
Kinukulit mo ang taong hindi naman ikaw ang gustong kausap
Kahit binabalewala kana't lahat lahat
Bakit ba hindi mo pa rin matanggap?

Huwag mo nang kulitin kung binabalewala ka
Huwag mo ng tadtarin ng mensahe kung sini-seen ka lang nya
Huwag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa taong hindi ka naman makita
At mas lalong tigilan mo na kung hindi nya makita ang iyong halaga!

Huwag kang tanga!
Huwag mong iparamdam na gustong gusto mo sya
Huwag mong iparamdam na sayo'y sobra sya'ng mahalaga
At mas lalong huwag mong iparamdam na uhaw na uhaw ka sa atensyon nya!

Kung ayaw sayo nung tao, huwag mong pilitin
Kung kaya ka nyang balewalain
Turuan mo ang puso mo na huwag syang pansinin
Turuan mo ang sarili mong huwag na syang kulitin.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon