149. RASON KUNG BAKIT AKO NAGSUSULAT

146 0 0
                                    

Ako si Alyssa Eleazar Magapi
Ang natatanging Binibini
Ang parating nananatili
Kahit ilang beses ng hindi pinili.

Narito ang rason kung bakit nahiligan ko ang magsulat.

Ni minsan hindi ko inisip o naisip na may talento pala ako
Na sa aking katauhan ay may kakayahan pala akong naitatago
Ni minsan hindi pumasok sa isip ko ang gumawa ng tula
Ngunit heto ako ngayon, marami na ang tula na aking nailikha.

Pinagmamalaki ko, ipinagmamalaki ko na may ganito akong talento
Pagkat ang pagsusulat ay s'yang naging parte na ng buhay ko
Sino nga ba ang naging rason ng pagdiskubre ko sa likod ng aking pagsusulat ng tula?
Sya’y walang iba kundi ang Hari sa buhay ko, si Papa.

Siya ang kauna unahang nagawan ko ng isang tula
Tula na ang nilalaman ay kung bakit agad sya nawala
Siguro dala rin ng kalungkutan at walang masabihan ng problema
Tanging lapis at papel lang ang naging aking kasa kasama.

Sa pagsusulat, si Papa ang inspirasyon ko
Siya ang naging rason kung bakit ngayon ay andito ako
Masaya rin ako dahil ang pamilya ko ay naka-suportado sa' kin
Nakakatuwa at ang sarap sa pakiramdam na andyan silang lahat para sa akin.

Hindi ako mapapagod magsulat nang magsulat
Hangga’t meron akong dahilan para magsulat.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon