120. COLLAB

106 3 0
                                    

GINOO
“Gusto kita”

BINIBINI
Teka, teka! Tama ba ang narinig ko?
Ang isang gwapong katulad mo
Magkakagusto sa isang katulad ko?
Ginoo baka naman malabo na ang mga mata mo.

GINOO
Hindi malabo ang mga mata ko
Baka ang iyong mga mata ang malabo
Tapos ngayon, pinagtatawanan mo pa ako
Ayaw mong paniwalaan na may gusto ako sa'yo.

BINIBINI
Pasensya na at hindi ko lamang napigilan
Talaga bang ako ay iyong nagugustuhan?
Baka naman ako ay iyong pinagtitripan?
Ginoo, paumanhin dahil ang pag-amin mo sa akin ay aking pinagdududahan.

GINOO
Ang iyong mga narinig ay pawang katotohanan
Kung iniisip mong ikaw ay aking pinagtitripan
Sasabihin ko sa'yo, wala itong halong kasinungalingan
Binibini, tunay kitang nagugustuhan.

BINIBINI
Paumanhin sa 'baka ako ay iyong pinagtitripan'
Sadyang mahirap lang talagang paniwalaan
Alam natin pareho na hindi naman ako kagandahan
Kayaʼt hindi ko maiwasang magtaka na ako ang iyong nagustuhan.

Ginoo, bakit ako ang iyong nagustuhan?
Hindi naman ako kagandahan
Hindi naman ako kaputian
Hindi naman ako katangkaran.

Maraming katangian na meron sila
Na sa akin ay hindi mo makikita
Kaya nga hindi ko maiwasan ang magtaka
Pasensya na talaga, Ginoo, hindi lang ako makapaniwala.

GINOO
Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin
Binibini, ikaw lang ang maganda sa aking paningin
Pakiusap, wag mong pagdudahan ang ginawa kong pag-amin
Inamin ko lang na gusto kita dahil hindi ko na kayang pigilin.

Hindi ka kagandahan?
Sinong may sabi?
At uupakan ko.

Hindi ka kaputian
Eh ano naman kung hindi ka maputi?
Ang mahalaga, ikaw pa rin ang gusto ko.

Hindi ka katangkaran
Pero handa kitang ipagmalaki
Sa maraming tao.

BINIBINI
Iba ang pinapakita sa akin ng salamin
Kaya huwag na huwag mo akong bolahin
Hala! Ayan tuloy hindi ko maiwasang kiligin
Haha, Ginoo huwag mo nga akong landiin.

GINOO
Bakit pa kita, lalandiin?
Kung pwede naman kitang seryosohin?
Saka sige, kiligin kalang dyan ng kiligin
Handa at kaya naman kitang saluhin.

BINIBINI
Kaya mo akong saluhin, Ginoo?
Gamit ang patpating katawan mo?
Paano baʼyan, mabigat pa naman ako
Baka mabalian ka lang ng mga buto.

GINOO
Patpatin man sa iyong paningin
Ang mas mahalaga kaya kitang saluhin
Kung mabigat ka, handa parin kitang buhatin
Gusto mo bubuhatin pa kita ng pangkasal, kunwari kasal natin.

BINIBINI
Grabe ang mga banatan
Halatang pinaghandaan
Ginoo, sinasapian kaba? Ikaw ba iyan?
Ang bilis mo naman, hanep napunta agad sa kasalan.

GINOO
Ako ito, Binibini at hindi ako sinasapian
Ganun talaga ako kabilis kapag ikaw ang usapan
Saka doon din naman tayo pupunta, sa simbahan
Planado kona ang lahat, oo mo nalang ang kulang sa listahan.

BINIBINI
Oo ko nalang ang kulang sa iyong listahan?
Teka, hahanapin ko lang ang iyong katanungan
Inamin mo saken na gusto mo ako, yun lang naman
Hindi mo naman itinanong sakin kung pareho ba tayo ng nararamdaman.

GINOO
Teka lang, Binibini tama ba ang narinig ko?
Hinihintay mong tanungin ko iyon mula sayo?
Tatanungin kita at sana ang sagot mo ay walang halong biro
Gusto mo rin ba ako? Sagot, Binibini. Oo o oo?

BINIBINI
Ginoo, anong klaseng tanong yan?
Andaya, wala namang ganyanan
Tanong na wala akong pagpipilian?
Oo o oo? Parang hokage naman ang galawan.

GINOO
Binibini, ayaw lang kitang pahirapan
Saka hindi pandadaya ang tawag dyan
Hokage ang galawan? Paano mo nalaman?
Oo o oo? Oh sagot, ako rin ba ay iyong nagugustuhan?

BINIBINI
Nagbigay kapa ng dalawang pagpipilian
Eh iisa lang naman ang kahulugan
Pero sasagot parin ako ng walang pag-aalinlangan
Ginoo, ikaw rin ay aking nagugustuhan.

GINOO
Teka, yung puso ko parang nangangarera
Binibini, totoo ba ang narinig ng aking mga tenga?
Pareho tayo ng nadarama?
Gusto moʼrin ako? Tama ba?

BINIBINI
Teka lang, ako muna, Ginoo
Hayaan mo munang magsalita ako
Itigil mo yang pangiti-ngiti mo
Dahil kinakabahan tuloy ako sayo.

Matagal-tagal narin kitang gusto
At hindi ko'lang maaamin iyon sa iyo
Ewan koba kase kung bakit ang torpe-torpe mo
At tama ang narinig mo, may gusto rin ako sayo.

GINOO
Binibini, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya
Kung saan, pareho pala tayo ng nadarama
Na gusto pala natin ang isaʼt-isa
Binibini, pwede naba kitang ligawan? Maaari ba?

BINIBINI
Handa kaʼbang magsibak ng kahoy sa aming bakuran?
Handa kaʼbang magsalok ng tubig sa poso na ilang metro ang pagitan?
Marami pang iba ay kailangan mong pagdaraanan
Ginoo, kung maluwag sa kalooban mo, maaari mo akong ligawan.

GINOO
Maluwag sa aking kalooban
Ang tanggapin at hindi ko uurungan
Ang mga hamon ng iyong mga magulang
Gagawin ko ang lahat, Binibini mapa-sakin kalang.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon