90. MASKARA

231 4 0
                                    

MASKARA

Mahilig akong magkunwari
Mahilig akong magtago
Mahilig akong magsinungaling
Mahilig akong magpanggap.

Mapagkunwari akong tao
Dahil nahihirapan akong ilabas ang tunay na ako
Kakampi ko ang mga ngiti
Sa tuwing nilalamon ako nang pighati.

Mahilig akong magtago
Magtago ng pagkatao
Kakampi ko ang tawa't halakhak
Sa tuwing nilalabanan ko ang pag iyak.

Mahilig akong magsinungaling
Ngunit hindi sa maling paraan
Kundi sa tunay kong nararamdaman
Na hindi nila maintindihan.

Mahilig akong magpanggap
Nalulusutan ko ang lahat
Sa madaling salita
Tanging kakampi ko ay ang maskara.

Ito 'yong nagsisilbing liwanag
Sa madilim kong pagkatao
Sa tuwing ako'y nag iisa
Maskara ang tanging karamay ko.

Kailangan kong tanggapin
Na dapat kong kayanin
Na sa mundong ito
Sarili ko lang ang kakampi ko.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon