127. CRUSH MO SIYA, CRUSH NIYA AY IBA

167 3 0
                                    

CRUSH MO SIYA, CRUSH NYA AY IBA

Hinahangaan mo ang kaniyang buong presensiya
Mula sa hubog ng kaniyang ilong at mata
Pinapabilis niya ang tibok ng puso mo gamit ang kaniyang tindig at pustora
Kinikilig ka sa boses at mga ngiti na gumuguhit sa labi niyang mapula
Sa kilos at galaw niya ay nahulog ka na talaga.

Ikaw ay tuluyang nahulog at hindi na makawala
Sa tuwing sya’y iyong nasisilayan, kaba sa iyong dibdib ay lumalala
Ang kanyang boses, para sayo ay isang napakagandang musika
Sa isipan mo para syang isang anghel na binaba ng langit at para kayo ay itadhana.

Kompleto na ang araw mo masilayan lamang ang kaniyang pagkatao
Hindi maiwasan na kiligin ka sa simpleng pagtitig sa mukhang niyang maamo
Sa tuwing siya ay nakikita mo saiyong tiyan ay nagliliparan ang mga paro-paro
Kakaibang pakiramdam ang hatid niya saiyong wisyo.

At kapag buong araw na hindi mo naman sya nasilayan
Pakiramdam mo’y para kang nawalan ng enerhiya’t naubusan
Para kang halaman na animo’y nalanta at hindi nadiligan
At ang iyong mukha ay hindi maipinta na para bang ika’y pinagsakluban.

Ika’y aminado sa kung ano ’man ang iyong nararamdaman
Hindi mo itinatanggi na talaga nga namang labis mo syang nagugustuhan
Hindi dahil tinataglay niyang kagwapuhan kundi sa kanyang mga katangian
Na ang mga hinahanap mo sa isang lalaki ay halos na sakanya nang katauhan.

Ngunit sa kabila ng iyong nararamdaman
Ay kailangan mong tanggapin ang katotohanan
Na ang lalaking iyong labis na hinahangaan
Ay sya ’ring may ibang nagugustuhan.

Crush mo siya
Subalit pag tingin niya ay nakatuon sa iba
Nahuhumaling siya sa ilong at mata ng iba
Bumibilis ang tibok ng puso niya dahil sa presensiya ng iba
May nagpapakilig na sa kaniya at may iba ng gumuguhit ng ngiti sa labi niyang mapula
Siya ay tuluyan ng nahulog hindi sayo kundi sa katauhan ng iba.

Crush mo sya,
At nasasaktan ka kapag nakikita mong magkasama sila
Yung tipong gusto mong magwala sa sobrang sakit pero wala kang magawa
Crush mo sya,
Ngunit ang nadarama nyo ay hindi magka-tugma.

Crush mo siya,
Subalit may ibang kumukompleto sa araw niya
Crush mo siya,
Ngunit batid mong iba ang gusto niya,
Crush mo siya
Kahit pa alam mo na wala talagang pag-asa
Crush mo siya,
Ngunit crush niya ay iba.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon