82. MAHAL KO SI BESTFRIEND

259 1 0
                                    

MAHAL KO SI BESTFRIEND

Gusto kong umamin
Kaso baka magka iba ang ating damdamin
Na baka kapag umamin ako, masira ang pagkakaibigan natin
Kaya naman, ililihim ko na lang at sisikapin ko itong tanggalin.

Iiwasan kita
Kahit alam ko sa sarili kong hindi ko kaya
Pero kakayanin ko dahil alam kong wala naman akong magagawa
Pipilitin ko ang sarili ko dahil ayokong umasa.

Umasa na baka gusto mo rin ako
Lahat na kasi ng mga nakasanayan ko sa'yo
Lahat ng ginagawa mo ay nabibigyan ko na ng motibo
Pati sa paraan na tingnan mo lang ako,
-pakiramdam ko ang pinaka magandang babae para sa'yo.

Ultimong ngitian mo lang ako
Pakiramdam ko ay tinutunaw ako ng mga mata mo
Pati sa paraan ng paghawak mo sa kamay ko
Para akong estatwa dahil may dumadaloy na kuryente sa buong katawan ko.

Kahit sa paraan na kung paano mo ako lapitan
Hahakbang ka pa lang, bigla na akong kakabahan
Bibilis ang pagtibok ng puso ko at doon panghihinaan
Hindi na ito normal, alam kong lubos na talaga kitang nagugustuhan.

Kahit sa pagyakap mo sa' kin, tila'y nag iiba
Pakiramdam ko, ligtas ako kapag kayakap ka
Humihinto ang pag ikot ng mundo at tanging ikaw lang ang nakikita
Sa tingin mo ba? gusto lang ba kita o mahal na kita?

Gusto kitang tanungin kung hanggang kaibigan lang ba ako
O higit rin ba doon ang nararamdaman mo
Kaso hindi ko pa man nasisimulang tanungin, hihiritan mo na agad ako ng
'bestfriend!'
Bestfriend, sabi ko nga hanggang mag-bestfriend lang talaga tayo.

Hindi ko maintindihan ang mundo
Sa dinami-rami ng tao na nasa paligid ko
Ikaw pa ang nagustuhan at pinili mismo ng puso ko
Ang ibig kong sabihin ay bakit sa'yo? Bakit ikaw na kaibigan ko? Kasi ang kumplikado.

Na kung dati, wala lang sa' kin kung sino ang nasa paligid mo
Kung sinu-sino ba ang kasama mo o kung sino ba ang kausap mo sa telepeno
Pero kasi naguguluhan na ako e, gulung-gulo na ako
Kahit anong pigil ko sa nararamdaman ko, aaminin kong minsan nagseselos na ako.

Isa akong kaibigan na nagagawang magselos, oh di ba?
Para akong tanga na nagseselos sa lahat ng iyong nakakasalamuha
Para akong praning na baliw na umiiyak sa tuwing may kasama kang iba
Pakiramdam ko magagawa mong sumaya ng hindi ako ang iyong kasama.

Teka, hindi na pala kita gusto
At 'yun ang napagtanto ko
Kase mahal na kita, 'yun ang totoo
Hindi ko lang maamin dahil ayaw kong umasa sa mga bagay na alam kong ikasasakit ko.

Mahal ko ang bestfriend ko
Pero naduduwag akong umamin dahil baka may magbago
Baka mawala 'yung matagal nating pinagsamahan dahil lang sa nararamdaman ko
Sa rason kong gusto kita, ay mali pala
-dahil sa rason kong minamahal kita
Ikaw na kaibigan ko.

Hindi ko na kaya kaya naman
Iiwas na lang ako, hindi na kita lalapitan
Kapag magka-salubong tayo, sa iba na lang ako dadaan
Hindi ako lilingon kapag tinawag mo ang buo kong pangalan.

Kaibigan kasi kita pero nagustuhan kita e
Kase alam ko namang hindi ako ang tipo na magugustuhan mong babae
Diba nabanggit mo saken noon na ayaw mo sa maaarte?
Edi wala akong pag-asa kase maarte ako saka pabebe.

Doon palang alam ko nang wala akong nakikitang pag-asa
Paano pa kaya kung umamin akong nagugustuhan na kita?
Ano nalang ang maihaharap ko sayo kapag hindi mo ako gusto diba?
Kaya habang gusto palang kita, sana tama ang desisyon kong iwasan at balewalain ka.

Takot ako sa mangyayari at kalalabasan sa oras na umamin ako
Kaya imbis na maisipan ko pang umamin sayo
Uunahan kona ng pag-iwas at paglayo
Kahit masakit at hindi ko kaya. Kakayanin ko.

Takot ako sa sasabihin mo
Kaya mananahimik nalang ako
Wala akong sasabihin na kahit na ano sayo
Tatanggapin ko nalang na hanggang magkaibigan nalang talaga tayo.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon