133. HINDI TAYO PWEDE

214 0 0
                                    


HINDI TAYO PWEDE

Gusto natin ang isa't-isa
Nagkakagustuhan tayong dalawa
Ngunit hindi tayo pwede, 'yan ang sabi ng iba
Maraming hadlang, maging ang ating mga pamilya.

Maraming hindi sang-ayon
Sa pagkakaroon natin ng relasyon
Maraming di payag sa pag-iibigan natin
Maraming gusto tayong paghiwalayin.

At dumating ang araw na kinatatakutan nating dalawa
Ang araw na ipinaglayo tayo ng kanya kanya nating pamilya
Kasabay ng pagsuko natin sa isa't-isa
Na hindi talaga tayo ang itinadhana.

Ngayon, naiintindihan na nating dalawa
Ngayong pareho na tayong may sari-sariling pamilya
Na noon ay pinagtagpo lang tayo ngunit di nakalaan
Sapagkat kapwa tayo ni Adan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon