188. REGALONG DI MAPAPANTAYAN

126 6 0
                                    



Isang regalo na hindi mapapantayan ng iba
Regalong ipagmamalaki ko hanggang sa' king pagtanda
Ang makaranas ng magandang kinabukasan
Na s'yang pamana sa' kin ng aking mga magulang.

Sila'y nagtrabaho't nagsakripisyo
Upang maibigay ang mga pangangailangan ko
Ito ang regalo na hindi ko makakalimutan
Ito ang regalo nilang di mapapantayan kahit na kayamanan.

Kaya't nag-aaral ako ng mabuti para sakanila
Para ang sakripisyo nila'y hindi mapunta sa wala
Ang regalong pamana nila sa' kin
Balang-araw, ito'y maibabalik ko rin.

Regalong di mapapantayan
Nang kahit na sino 'man
Akin itong pahahalagahan
Pagkat galing iyon dugo't pawis ng aking mga magulang.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon