153. BAYANI

284 1 0
                                    


Pino-protektahan nila tayo
Upang mailayo sa krisis na ito
Laging tandaan at sumunod sa kanilang payo
Iwasan ang pagiging mainitin ang ulo
Sapagkat sa sitwasyon nati’ng ito, dapat tayo ay makipag-kapwa tao.

Sa bawat yugto ng ating buhay
Usapan NCOV, marami na ang namatay
Namatay sa sakit na pinagmulan nito, sapagkat
Di mahanap ang lunas na sakit na unti-unti nang kumakalat
Ang dapat at kailangan lang nating gawin
Laging manatili sa ating tahanan at sundin
O sumunod sa payo ng ating Pangulo pagkat para ’rin naman ito sa atin.

Maging sa mga Front Liners natin na nagsama-sama
Sabay-sabay tayong manalangin para sa kalagayan nila
Na pilit nilalabanan ang pagdami ng mga taong nasasawi
Kung saan isinasakripisyo nila ang kanilang mga sarili
Kayo ang aming tunay na Bayani.

Sama-sama tayong magtulungan
Sama-sama tayong magbigayan
Sama-sama natin itong lalagpasan
Sama-sama tayong manalangin sa Poong Maykapal.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon