172. CRUSHBACK

291 8 0
                                    

CRUSHBACK

Mistulan kang tala
Sa aking mga mata
Na sa tuwing ika'y tinititigan
Puso ko'y parang nakikipag karerahan.

Walang mintis ang saya
Sa tuwing magkausap tayong dalawa
Tila'y maraming paru-paro sa paligid
Habang walang tigil sa pagkabog ang aking dibdib.

Ang sarap sa pakiramdam
Pakiramdam na parang ayaw ko ng wakasan
Ikaw ay tunay ko na ngang nagugustuhan
Gusto kita, ngunit sayo ba ito'y aking ipapaalam?

Sinasabi ng isip ko
Na huwag kong ipaalam sa'yo
Pagkat natatakot ako
Na baka may magbago.

Ako ay naguguluhan
Isip at puso'y di magkaunawaan
Ano ba ang aking paiiralin?
Sinasabi ba ng isip ko o ang sinisigaw ng aking damdamin?

Gusto kita
Gustung gusto kita pero, ano nga ba talaga?
Pareho ba tayo ng nadarama?
Ang nadarama ba natin ay iisa?

Kapag nagtapat ba ako
at sabihin ko sa'yong 'Gusto kita'
Gusto kong marinig mula sa'yo
Ang katagang 'Gusto rin kita, matagal na.'

-
Sana magustuhan nyo, salamat!

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon