72. NASASAKTAN AKO

214 3 0
                                    

NASASAKTAN AKO

Alam mo yung nakakatawa?
Yung gusto kita pero may gusto kang iba
Pero ang mas nakakatawa yung nagmukha akong tanga
Kase sa tuwing nagtatama ang ating mga mata nadaragdagan yun ng pag-asa.

Kung saan, andyan yung ngingitian mo ako
Yung magkukwento ka ng kung anu-ano
Kung saan, andyan yung palagi mo akong binibiro
Yung tipong kahit yun lang yung ginagawa mo, umaasa na ako.

Pero alam kong umaasa na ako sa wala
Kase kapag andyan sya, ako’y iyong nababalewala
Kase kapag andyan sya, nawawala ako sa paningin mo bigla
Pero kahit ganun nalang palagi, pilit akong umaasa.

Yung mga biruan, tawanan kapag kasama kita
Yung mga tawa at ngiti mong sakin ay sobrang nagpapasaya
Yung mga jokes at pick up lines ko kung saan tawang-tawa ka
Sa tuwing ganun palagi, hindi ko magawang hindi ang umasa.

Umaasa na baka gusto mo rin ako
Pero hindi kase gusto mo sya at ano nga lang ba ako sayo?
Ano ba ako sayo, ano nga ba ako sa puso mo?
Umaasa ako sa pagkakataon na tuwing magkasama tayo.

Pero ang puso ay biglang tumigil sa pag-usbong
Nung araw na kayo’y aking makasalubong
Kasama mo sya at ang tawa nyo ang nilulusong
Ni hindi mo ako nagawang tingnan pagkat meron ka sakanyang binubulong.

Rinig ko ang tawa nyong dalawa
Lumakad ako ng mabilis pagkat ako’y nanghihina
Pinipigilang tumulo sa pagpatak ang luha
Ngunit napahinto ako, tinawag mo ang pangalan ko pero hindi kona kaya.

Lumayo at tumakbo ako sa pagitan nyo
Hindi ako huminto kahit na paulit-ulit mo akong tinatawag gamit ang buong pangalan ko
Na syang pagbuhos ng malakas na ulan dahilan para mapahinto
‘Bakit ang sakit?’ gusto lang naman kita pero bakit ganito?

Nung makita ko kayong dalawa, sobra akong nasaktan
Yung marinig ko ang tawa mo na hindi ako ang dahilan
Yung makita ko ang mga ngiti mo kanina, bigla akong naguluhan
Gusto lang naman kita pero bakit ganito kasakit ang aking nararamdaman?

Hindi kita sinisisi kung bakit nararamdaman ko’to
Hindi kita magawang sisihin kase ikaw ang dahil kung bakit masaya ako
Pero ikaw rin pala yung magiging dahilan kung bakit ako nagkakaganito
Nasasaktan ako, nasasaktan ako at yun ay dahil sayo.

Nasasaktan ako kase gusto kita
Nasasaktan ako kapag magkasama kayong dalawa
Nasasaktan ako kapag magtatama ang ating mga mata
Nasasaktan ako kapag masaya ka sakanya.

Nasasaktan ako sa napakaraming dahilan
Nasasaktan ako pero wala akong mahanap na paraan
Nasasaktan ako kapag ako’y iyong nilalagpasan
Nasasaktan ako na umaabot na tuwing gabi ay palagi nalang kitang iniiyakan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon