40. SA HIRAP AT GINHAWA

366 5 0
                                    

SA HIRAP AT GINHAWA

Paano ang isang pangarap kung mapapagod ka?
Kailangan na nga ba talagang magpahinga?
Nais mo na bang lumaya sa pinagsamahan nating dalawa?
Hindi mo na ba kayang ilaban ang  itutuloy ang nasimulan na?

Pagod ka na ba kaya niluwagan mo ang pagkakayap ko sa'yo?
Maglalakad ka ba patungo kung saan wala na ako?
O ipagpapatuloy ang lahat kung saan naging tayo?
Pananatalihing buhay pa ba ang pag  ibig mapahanggang dulo?

Mahal, kung pagod ka na magpahinga ka lang kahit saglit
Hindi kita panghahawakan at ipipilit
Nais ko ’ding ika’y maging maayos ngunit ang tayo ay wag mong iwaglit
At sana kahit nasa pahingahan ka h'wag mo akong ipagpapalit.

Nangako tayo sa harap ng simbahan hindi ba?
Hinawakan ang kamay ko't tumingin ka ng diretso sa aking mga mata
Habang binibigkas mo ang salitang sa hirap at ginhawa
Hindi mo ako iiwan kahit marami 'man ang dumaan na problema.

Mahal, kung ninanais mong makawala hindi kita pipigilan
Ngunit ang pakiusap ko ay huwag sanang kalimutan
Kapag maayos ka na ulit andito lang ako na handa kang balikan
Pagkat ang sumpaan nating dalawa ang s'yang aking pinanghahawakan.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon