144. FLAMES ANG BIDA

110 2 0
                                    


LARONG FLAMES

At dahil wala akong magawa
Ang ating pangalan ay aking ipagsasama
Sa ngalan ng flames, tayo muna ang bida
Hahanapin ang sagot kung ang tayo ba ay magtutugma.

Mga titik na may magka pareha sa atin
Bawat letra, tila’y may malalim na ibigsabihin
Na para ’bang ipinapahayag dito na ikaw ay nakalaan para sa' kin.

Walong titik ang nakuha ko mula sa pangalan mo
Walang titik ang nakuha ko mula sa pangalan ko
Labing anim ang titik na may magka pareha
Na s'yang tumugma sa pangalan nating dalawa.

Teka, eto na ang naging resulta
Tila ako’y hindi makapaniwala
Dala ng pagkatuwa na halos mapatili ng sobra
Pagkat ang resultang lumabas ay 'mirrage' teka nga muna!

Teka, ayaw ko munang kiligin
Pagkat may posibilidad na magbago ang ihip ng hangin
Saka isa lamang itong laro, ayaw kong umasa
Pagkat alam kong hindi iyon magkaka-totoo, di’ba?

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon