75. BAKIT ANDITO PARIN AKO?

183 3 0
                                    

BAKIT ANDITO PARIN AKO?

Hindi ko rin alam
Na sa kabila ng pakikiramdam
Na talagang wala ka ng pakealam
Hindi ko na kailangang magdamdam.

Bakit andito pa rin ako?
Na sa kabila ng panlalamig mo
Nagtataka ka kung bakit ako ganito?
Na sa kabila ng lahat ng iyong panloloko.

Hindi pa rin kita magawang iwan?
Isa lamang ang aking idadahilan
Kung bakit mas pinipili kong ikaw ay damayan
Imbis na iwan kita ng tuluyan.

Bakit andito parin ako?
Na sa kabila ng lahat ng panggagago mo
Na sa kabila ng lahat at pagtataboy mo sakin mula sayo
Hindi kita magawang iwanan dahil may isang pangako tayo.

Hindi mo naaalala?
O talaga bang kinalimutan mona?
Talaga bang wala ka ng nararamdaman sakin miski isa?
Talaga bang mas mahal mo na sya?

Bakit andito parin ako?
Na sa kabila ng panloloko mo
Eto, nakakapit parin ako sayo
Kahit hindi kona kaya, pinipilit ko.

Sa kabila ng pagbabago mong bigla
Sa kabila ng panlalamig mo na para bang ako ay may nagawa
Sa kabila ng paulit-ulit mong pagsisinungaling, hindi ako nagsalita
Pinili kong manahimik, kahit masakit pinilit kong kinakaya.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon