135. GUSTO KITA NA AYAW KO, GINOO

186 1 0
                                    

GUSTO KITA NA AYAW KO, GINOO

Isa, dalawa, tatlo, apat
Ayokong umamin, ako’y duwag
Ayokong sabihin, ayaw kong magtapat
Ang nararamdaman ko sayo’y takot akong ibunyag.

Ngayon kase ako ay mistulan pa’ring naguguluhan
Gusto ko, na ayaw ko itong aking nararamdaman
Gusto ko kase, masaya ako na ikaw ang dahilan
Ngunit ayaw ko naman kase takot akong masaktan.

Hindi ko kase alam kung tama ba ito
Kung tama ba ang nararamdaman ko
Kung tama ba’ng magkagusto ako sayo
Ngunit tama ’man ito o mali, alam kong wala nang kawala ang aking puso.

Sa puso ko’y ikaw ang nagbibigay saya
Nagbibigay sa akin ng kilig sa tuwi-tuwina
Ngunit bago pa ito humantong sa hindi ko’na kayanin
Ito ay uunahan ko’na at pipiliting pigilin.

Pasensya ka’na kung naduduwag ako
Pasensya ka’na kung ayaw kong aminin sayo
Pasensya ka’na kung pipigilan ko itong nararamdaman ko
Pasensya na kase alam ko namang may iba kang gusto.

May iba kang gusto at ’yun ay hindi ako
At iyon ang kailangan kong tanggapin
Tatanggapin kahit ayaw ko pagkat iyon ang totoo
Kaya siguro ayaw kong umamin kase alam kong ako’y masasaktan rin.

Pero ito ang iyong pakatatandaan
Na wala na akong balak na ito’y pigilan
Hahayaan ko nalang ang puso kong ika’y lalong magustuhan
Kahit alam akong sa kahuli-hulihan, ako’y uuwing talunan.

Ginoo, pasensya ka’na
Kung ikaw ang nilalaman nitong aking tula
Pasensya ka’na kung hindi ko napigilang bigyan ito ng paksa
Kung saan ikaw at ang nararamdaman ko ang bida.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon