173. 𝗦𝗔𝗡𝗔, 𝗔𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗟𝗜𝗧

159 0 0
                                    


SANA AKO NA LANG, ULIT

Mga pangako'y nasaan na?
Sumpaan na hindi ko na naaaninag pa
Tila'y hangin na bigla na lang kumawala
Relasyon nating kusang nahiwalay na para 'bang nagsawa.

Mahal, ilang beses mo 'ba akong sasaktan?
Ilang beses mo 'ba akong pagtutulakan?
Ilang beses pa 'ba akong magmamakaawa sa'yo?
Na sana pwede 'pang maibalik ang tayo.

Kulang pa 'ba?
Para sa'yo, ako ba'y kulang pa?
Binibigay ko naman ang lahat para sa'yo
Para sa relasyon natin, para sa 'tayo'.

Ilang beses pa 'ba kitang pipigilan?
Ilang beses ko pa 'bang sasabihing, huwag mo naman akong iwan?
Mahal, ikaw ang mundo ko
Pero bakit hindi 'man lang ako nagkaroon ng puwang sa puso mo?

Lumayo ka, umalis ka at iniwan mo ako ng tuluyan
Hindi kita napigilan, hindi na ako nakalaban
Dinurog mo ang puso ko
Nadurog ang puso kong walang ibang ginawa kundi mahalin ang tulad mo.

Dinurog ako ng sakit
At kahit aking ipilit
Pilit pa 'ring nagpupumilit
Na 'Sana, ako na lang ulit.'

Na sana ako na lang ulit
Ang piliin mo at patuloy na mahalin
Bigyan ng halaga at unawain
Kung sakali, ito'y pipilitin.

Oo, hinihiling ko sa mismong kaarawan ko
Na sana  ikaw pa rin ang makasama ko
Na sana umabot tayo, hanggang dulo
Na sana ako pa rin ang piliin mo
-kahit alanganin ang lagay ko dyan sa puso mo.

Bigkasin mo lang na mahal mo pa ako
Tatanggapin ko kahit na alam kong
kasinungalingan lang lahat ng ito.

Kahit na alam kong malabong piliin mo ako
Kasi alam kong para sayo
Panandalian lang ang mahalin ako
Kaya sa huling pagkakataon
hinihiling ko
-Sana ako na lang ulit
'Yung walang makakapantay o papapalit
kahit sa isang saglit.

SPOKEN WORD POETRY (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon